Panaginip

496 14 0
                                    

PANAGINIP

Sa pagpikit ng mga matang tila luluha
Nabakas ang mga pangarap na naglahong parang bula.

Mga pangakong binitawan at napako ng tuluyan
Tanging hangin ang naging saksi sa kagyat na paglisan.

Tanikala ang naging karamay sa pagdurusa
Nang tila mauutas na puso napuno ng pasa.

Pasang nagngaling sa latay ng madilim na kahapon
Na naghatid ng mag pagbabago sa bukas at ngayon.

Biglang lumiwanag, luminaw ang madilim na isip
Mula sa masamang panagimpan sa pag-iglip.

Mga luha ng pumapatak ang sa aki’y gumising
Mula sa paghilagpos ng bakal na sa aki’y bumigti.

 4/16/’14

I LOVE POEMSWhere stories live. Discover now