Hindi paniwalaan

203 10 0
                                    

Paano kung may nalaman kang sikreto na maaaring makapagpabago sa buhay at pananaw ng mga taong nasa paligid mo? Paano kung inakala mong perpekto ang lahat pero dahil sa sikretong iyon ay gumuho ang ilusyon mo? Anong gagawin mo, sasabihin mo ba kahit alam mong magugulo ang mga buhay nila o pipiliing itatago na lang?

May mga bagay na hindi mo pinaniniwalaan dahil ayaw mo lang. Ito ang mga bagay na pinili mong huwag na lang pansinin kahit may ebidensya ka. Minsan nga, kahit inamin na sa iyo ay hindi mo pa rin magawang paniwalaan dahil lamang sa ayaw mo kais naniniwala ka na lamang sa kasinungalingang ikaw mismo ang bumuo.

Masakit malaman ang katotohanan lalo na kapag hindi mo naisip na kayang gawin iyon ng isang tao. Kahit hindi mo sabihin, gusto mo na lamang itago sa pinakamalalim na parte ng isipan mo ang sikretong nalaman mo para kahit gaano man kalalim ang pag-iisip mo, hindi mo na iyon mabuksan pa. Ngayon, naiisip mong sana, nasa short-term memory mo na lamang ito para hindi na magtagal pa ang nalaman mo.

Kaya ko palang maging ganoon. ‘yung kitang kita ko na ang ebidensya at umamin na pero mas gusto ko pa ring maniwala sa sarili ko. Akala ko dati, kapag nakaalam ako ng sikreto, napakabilis lang at parang walang nangyari. Ang sakit pala. Kaya para hindi ka na masaktan, kinakailangan mong gumawa ng kasinungalingan sa isip mo. At ang kasinungalingang iyon ang magpapasaya sa iyo kahit panandalian lamang.

I LOVE POEMSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora