Salamat aking Guro

1.6K 14 1
                                    


SALAMAT AKING GURO


Sa mga oras na nakaramdam kami ng takot
At bawat araw ay anong salimuot
Ang mga mata ay tila nabulag sa liwanag
Walang anumang bagay ang sa amin ay hayag.

Kadiliman ang unang nakita ng mga mata
Nang lumapit ka sa ’miy liwanag ang dinala
Binigyan kami ng suligi ng karunungan
Kaagapay upang marating ang tamang daan.

Dahil sa iyo nakita ang mga makulay sa mundo
Ang iba’t ibang mga bagay na dinulot nito
 Ngayo’y makatitiyak at masusuri na rin
Ang kaisipang totoo’t hindi para sa akin.

Tinuruan mo kami upang ngumiting muli
Pagkatapos nang mga bagyong sa ami’y sumagi
Naging gabay sa kalayaan sa kamangmangan
Binigyan kami  nang liwanag ng karunungan.

10/01/14

I LOVE POEMSWhere stories live. Discover now