Paalam

1K 20 0
                                    

Paalam

Natitiyak kong masayang-masaya ka na

Alam kong may minamahal ka nang iba

Pero masakit pa rin sa akin na isipin ka

Kahit alam kong wala ka na.

Ayoko sanang itago

Ayoko sanang manloko

Pero anong magagawa ko

Mas mahalaga talaga siya kaysa sa’yo.

Tinatanong mo ako kung mahal kita

Pero sinasabi kong hindi talaga

Ngunit ang totoo, ikaw lang walang iba

Pero ngayon ay lumalayo ka na.

Nagkasalubong tayo, walang kibuan

Magkalapit atyo, walang ngitian

Pero salamat at ginagawa mo iyan

Par Makita kong mas Masaya ka kung wala ako d’yan.

Mas mahirap para sa ‘kin, ang masaktan ka

Mas masakit kung malulungkot ka

Pero bakit ganito, gusto kong bumalik ka!

Ewan ko ba mahal pa rin ba kita?

Ayos na rin siguro ang ganito, kahit na ako’y bigo

Nawa’y magtagumpay ka, sa bagay na nais mo

Kahit wala na ako, d’yan sa puso mo

Kaya paalam na, minamahal ko.

6/22/’13

I LOVE POEMSМесто, где живут истории. Откройте их для себя