Kabanata 2

62 5 0
                                    

Kabanata 2

Nang nakarating na kami sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Hindi ko nga alam kung bakit sobrang napagod ako, hindi naman ako nagsasalita sa buong meeting. Tamang kinig nga lang ako dun e.

I opened my phone at may message si Shine sa akin. May sale daw ang restaurant niya baka gusto ko daw pumunta. I ignored her message first dahil may gusto akong tignan sa Instagram.

Hindi ako stalker, okay?! Pero sobrang curious lang talaga ako sa mukha ng kumag na 'yun I mean ni Brook. Kanina sa meeting kasi parang si Brook  na lang 'yung laging binabanggit kaya sino ba naman ang hindi macu-curious nun?!

I typed Brook on the search box pero iba ang lumabas. Hindi ko kasi alam ang buong full name nito. I gave up on finding his Instagram at nag reply na lamang kay Shine.

To: Shining Shimmering Splendid

May kilala ka bang Brook?

I waited for her reply pero hindi na ito sumagot. Oh well, baka busy 'yun sa restaurant niya. Ilang minuto ay nagbrowse na lang ako sa Youtube. I searched for some dance practices at nakuha ng atensyon ko ang isang recommendation. It was a video of Chandria. Lol! Nakilala ko agad. Kasalanan 'to ng kompanya namin e!

I clicked it dahil nga na curious din ako sa kanya. Medyo nainis din ako sa kanya kanina dahil nga narinig ko na hindi pa din nito nag-deny sa issue nila ni Brook. Lol! Baka nga may gusto siya kay Brook!


"Hello yo guys! It's your girl, Chandria! Welcome back to my channel, so for today's video ay—."

I quickly paused the video at napa-"what-the-hell-was-that" look ako sa harap ng cellphone ko. Maganda nga siya, sexy but damn ako lang ba? Her voice is so damn annoying! Pabebe! Ganito ba talaga siya?!

Hindi ko na pinatuloy pa ang video at tumingin ako sa comment section since ito ang latest vlog niya. Madami ang nagshi-ship sa kanila ni Brook. Sa pagkakaalam ko ay sa mga ganitong sitwasyon ay makakatanggap si girl nang hate comments pero hindi... iba.

chandriabestgirl
bagay talaga kayo ni Brook, queen! I don't know kung totoo 'yung kumakalat na issue (enlighten me pls) but we will keep on supporting you both!

Yan ang isa sa mga comments na nabasa ko. Napatingin ako sa reply section at halos lahat doon ay nagsasabi na totoo daw ang kumakalat na issue. Napairap na lamang ako sa kanila. Ha?!?! Hindi sila bagay at hindi din totoo na may something sa kanila!

Naiinis kong tinabi ang cellphone ko. Napairap pa ako bago lumabas sa kwarto at nag-decide na kumain.

"Bakit bad trip ang baby namin?" mama laughed habang papunta ako sa direksyon nila. Kumakain na pala sila hindi man lang nila ako tinawag! Grabe parang hindi pamilya!

"Stop that, ma! Dalaga na ako!" I hissed at umupo sa hapag-kainan. Mom and dad just laughed at me.

"So, how's your experience, anak?" tanong ni mama. I just shrugged as an answer. "Ayaw mo ba talaga doon? Sa tingin ko ay nagustohan mo din naman 'yun kahit papano."

Napatingin ako kay papa na naghihintay din ng sagot ko. I took a deep breath. "Okay naman po, ma. I am so proud of papa dahil smooth siya maghandle ng mga problema but I think hindi talaga para sakin 'yung mga ganyan."

Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Where stories live. Discover now