Kabanata 12

38 3 0
                                    

"Samahan mo nga ako, Shine!" I whined. Nandito ako ngayon sa restaurant niya dahil kailangan ko talaga ng kasama mamaya sa meet and greet and mall show nina baby ko este ni Brook. Si Shine lang kasi ang hindi busy sa lahat ng tropa kasi sobrang stable naman ng negosyo niya at isa pa, nagbe-bebe time lang naman sila ni Jeremiah dito sa restaurant niya.


"Ayaw ko nga, Patricia. Ang kulit eh!"


"KJ mo kasi, palagi ka na lang busy sa restaurant mo. Wala ka nang time sa sarili mo. Tsk tsk." sabi ko. Tama naman kasi, nung iniwan siya ni Kian ay ganito na siya. Buhos na buhos ang sarili niya sa gawain dito sa restaurant. Napapansin ko nga din na medyo namamayat na siya.


"Pat, it's better na ibuhos ko ang sarili ko sa trabaho kesa naman sumama sa meet and greet na 'yan." sagot nito.


"Weh? Bitter ka lang siguro. Shine, isang taon na ang lumipas! Si Danica at Rhea brokenhearted din. Mabuti pa si Ella magpapakasal na."sabi ko sa kanya. "At syempre, ako naman ay magpapakasal kay Brook." dagdag ko pa.


"Hoy, baliw! Sa sobrang dami ng fans ni Brook, malabo 'yang pinagsasabi mo." she spat. Tinaas ko ang isang kilay ko sa kanya. Jeremiah's laugh again filled the room. Aba't pinagti-tripan ako ng dalawang 'to.


"Well, excuse me. Nagreply siya sa DM ko sa Instagram. Pakita ko pa sa'yo--" but I was cutted off when someone entered her office. Si Jeremiah pala.


"Shine---oh, may kasama ka pala." hay nako, third wheel na naman ako nito.


"Andito na pala si lover boy." I chuckled at umiling. "Now, I know kung bakit ayaw mong sumama sa akin. Trabaho daw."


"Hoy, Patricia. Trabaho nga ang ginagawa ko dito." she almost glared at me.


"Saan ka ba pupunta mamaya?" rinig kong tanong ni Jeremiah sa'kin.


"Sa meet and greet ng baby ko."


"Yung sikat na vlogger? Si Brook? Mukhang paa naman 'yon e." Jeremiah laughed. Vlogger daw? TikTok sumikat 'yun e. Chismis na nga lang nilalanghap, mali-mali pa.


I glared at him.


"Kung mukhang paa siya, e ano na lang ang tawag sayo? Mukhang ingrown?!" I spat. "Aalis na nga ako. Bad trip kayo."


Nang nasa labas na ako ng restaurant nina Shine ay dumiretso agad ako sa mall. Maghahanap lang naman ako ng susuotin ko mamaya. Ewan ko ba, gusto ko lang naman na may bago akong suot kapag may mga event si Brook at syempre para mukhang presentable naman.


Sumakay na agad ako sa aking motor. Yep, mabuti na lang talaga at dala ko aking motor. I put my helmet on at pinaandar ang motor. As I arrived safely at the mall ay humanap agad ako na pwedeng iparking 'tong motor ko at pumasok na sa loob. After buying clothes ay pumunta ako sa Dairy Queen at bumili ulit ng ice cream. I'm kinda craving kasi.

Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Where stories live. Discover now