Kabanata 19

53 5 0
                                    

I was lying down in bed nang biglang tumunog ang cellphone ko. I quickly opened it and saw a message from Shine.


From: Kumikinang kinanginamo

G? Inom?


Napakunot agad ang noo ko. Anong problema nito? I texted her agad kung bakit gusto nitong uminom. Baka may problema silang dalawa ni Kian.


From: Kumikinang kinanginamo

Baliw, wala kaming problema ni Kian. Si Rhea kasi mukhang broken hearted kaya ayon.


I stared at my phone for awhile. Pupunta ba ako? Tinatamad ako sa mga ganyan e. Wala akong gana. After those incidents kahapon ay gusto ko na lang na magstay muna sa bahay. Kahit na day off ko ngayon ay hindi ko talaga magawang i-enjoy ang araw ko. I wanted to go out but my body tells me not to.


Napalingon ako sa phone ko nang bigla itong nagring. It was Shine.


"Ayaw ko nga!" bungad ko sa kanya.


"First time mo ata tumanggi sa mga gala." sabi nito. I just sighed.


"May problema ka 'no? Yung vlogger?"


"Tiktoker 'yun! Soon to be a vlogger siguro ewan ko dun."


"Sus, arat shot." Shine chuckled at binaba nito ang tawag. Since ang unproductive ko ngayong araw, I should join them na lang siguro.


The next thing I knew ay nasa loob na kami ng bar. Kasama ko si Shine at Rhea. Natawa nga ako nang nalaman ko na broken hearted daw si Rhea dahil sa bestfriend niyang doctor din. Noon pa lang ay alam ko na may gusto siya dun pero ayon puro deny ang lola niyo.


"Alam ba 'to ng vlogger mo?" Shine asked. I raised my eyebrow.


"Huh? Hindi syempre. Wag lang kayo magstory o mag post sa mga social media niyo, okay?" I told them. Kahit naman walang pake yun sakin.


"Ikaw? I asked Shine, pertaining to Kian.


"Ako? Hindi din alam ni Kian 'to." she laughed. "Girl's day ngayon kaya walang KJ sa gagawin natin ngayong gabi."


We laughed at Shine's response. Sobrang dami na ang napagusapan namin and almost 30 minutes na kami nagchi-chikahan at tumatawa sa loob ng bar. I drank a few shots habang nakikinig kay Shine at Rhea. Narinig ko na may girlfriend na pala 'tong bestfriend niya, she wanted to move on kaya napaisip agad ako para sa sarili ko.


Alam na alam ko naman na walang pag-asa diba? Why do I keep on chasing him? Napatingin ako sa isang bote ng alak na nasa harap ko. I grab it and drank it without pouring on my shot glass. Napatingin naman sina Shine at Rhea sa akin. I just raised my bottle and smiled at them. They look worried and ramdam ko na agad na medyo nahilo ako.


"Alam mo kasi, sa mga ganyang sitwasyon matuto ka ding mag first move no!" I unconsciously said. Hindi ko na nga makita nang maayos ang mga mukha nina Shine at Rhea. Everything was blurry.

Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Where stories live. Discover now