Kabanata 13

31 3 0
                                    


"The first question is nanggaling kay @sabaokcute. Lucian, sino ang pinakaattractive sa entertainment niyo?"


Tumawa si Lucian nang narinig niya ang tanong na iyon. He smirked before he spoke.


"Syempre, ako." he laughed which made everyone laugh too.


Napatingin ako kay Nyx na nakangiti din sa corny na joke ni Lucian. Napakunot ang aking noo sa aking nakita. I immediately pinched Shine's arm.


"Hoy, hindi naman nakakatawa 'yun." I hissed.


"Luh? Siguro si Lucian talaga yung gusto mo 'no? Bakit ka naiinis dyan?" she asked.


"Lucian? Ew! Mukhang kulangot nga 'yan."


"Hoy! Baka marinig ng fans niya, lagot ka." she laughed. Hindi na ako sumagot pa. "At isa pa pogi kaya si Lucian. Mas pogi pa dyan sa bebe mo."


"Bulag ka na ba, Shine?" I asked dramatically. Umiling na lamang si Shine sa akin.


"Okay, next question from @vantesgf. Best friend o career?"


"Matagal na kaming magkaibigan ni Brook. Parang kakambal ko nga 'yun dahil alam na alam ko talaga kung malungkot o masaya siya. Kaya syempre, best friend."


Napangiti ako sa sagot ni Lucian. Siguro ay matagal na nga silang magkaibigan. Siguro nga ay alam na alam na nila kung nasaan ang nunal ng isa't isa. Minsan ka lang makakatagpo ng ganitong friendship and I am so happy for them.


"Cute naman! Okay next question mula kay @patqtie. Bagay ba kami ni Brook myloves?"


Nanlaki ang aking mata nang marinig ang tanong na iyon.


"Don't tell me, ikaw ang nagtanong nun?" napalingon sa akin si Shine. Gusto ko sanang i-deny pero biglang tumawa si Lucian sa microphone.


"Kilala ko talaga kung sino ang nagpadala nito." he laughed. "Hindi kayo bagay, sorry."


I felt the urge to punch him on his face. Desisyon ba siya? Bakit hindi na lang siya sumagot ng oo para naman hindi ako ma offend?


"Hindi pala bagay!" tawang tawa na sinabi ni Shine.


"Hindi naman talaga dahil tao kami."


"Kung corny si Lucian, mas corny ka Patricia." sagot nito.


"Wow, ha? Sino ba ang kaibigan mo sa aming dalawa?"


"Secret, baka ipagkalat mo." Shine smiled teasingly.


"Pwede ka bang batokan, ha?"

Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Where stories live. Discover now