Kabanata 3

46 5 0
                                    

Kabanata 3

The next day ay nagising ako ng maaga. 6 in the morning ay mulat na mulat na ang aking mga mata. I decided to open my Tiktok and napansin ko na tumaas ang followers ko. I smiled at myself. Sobrang saya ko kasi andaming naka-appreciate ng sayaw ko. Madaming positive comments which makes me want to upload more videos.

Habang nagscro-scroll ako sa for you page ko sa Tiktok ay may isang viral video na nakakuha ng aking atensyon. A guy just staring at his camera and lip syncing the song. It has reached 1 million like kaya napatingin ako sa mukha ng lalake.

And all I can say is...

SUPER POGI NIYA! AAAAAAH!

Grabe 'yung mukha niya beh! Parang koryano especially yung kilay na sakto lang ang kapal. His lips are thin pero bumagay sa kanyang mukha. He has a pale skin at yung mata niya ay medyo chinito. I found myself smiling at the video, ewan ko ba pero kinikilig ako sa ngiti niya. Alam na alam ko na agad na he is good at flirting. Instincts, maybe?

I double tapped the video to like it at inulit pa ito ng ilang beses until napadpad na ako sa account nito. His username is @brookofficial which made me realize one thing--No way! I immediately exit my phone at nilagay ito sa table na nasa gilid ng kama ko.

No way!

Napatingin ako sa ceiling at inisip ang nangyari kanina lang. Siya pala si Brook? Hindi na ako magtataka kung bakit andami ng fans niya. Mala-adonis pala ang mukha nito! Kaya naman pala nung nakita ko siya sa opisina ni papa ay halatang sobrang pogi na nito. Taksil na talaga ako kay Taehyung!

I tried to take a sleep again para naman ay makalimutan ko kahit papano ang nangyari pero paulit ulit sa isipan ko 'yung lip sync niya sa kantang Marvin Gaye.

Woah
There's loving in your eyes
That pulls me closer
It's so subtle
I'm in trouble
But I'd love to be in trouble with you

I even memorized the lines dahil sa paulit-ulit na play ko kanina! No way! Ayaw kong mahulog sa mga taong madaming tagahanga, 'yung busy sa buhay dahil may career na para sa publiko.

Woah
There's loving in your eyes
That pulls me closer
It's so subtle
I'm in trouble
But I'd love to be in trouble with you

STOP!

"Anak, gumising ka na... tanghali na."

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko si mama na nakaupo sa gilid ko. Hindi ko namalayan na nakatulog ulit ako. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang mukha ni Brook. No way! Kailangan ko na atang magpa-check up kay Rhea.

"Ayos ka lang ba? Mukhang maganda ang tulog ng anak ko. Sino ba ang napanaginipan mo?" mapanuksong tanong ni mama. I glared at her.

"Mama naman e. Hindi si Brook, okay?"

"What? May sinabi ba akong pangalan? Wala naman ah?" mom laughed. Napaisip ako sa aking sinabi. Oo nga, no?

Mom is laughing so hard habang palabas sa kwarto ko habang ako ay napatulala pa din sa lahat ng nangyari kanina. His face still lingers in my mind at hindi ko maiwasang mapangiti na medyo naiinis dahil doon. I can't understand myself anymore!

At exactly 3 in the afternoon ay nagtuturo ako ng sayaw and we ended at 5 in the afternoon. Syempre dahil pagod ako ay dumiretso ako sa bahay. Hindi ko nakita si mama, probably pumunta siya sa kompanya. Hindi man lang sila nag text, parang others!

Nag-chill muna ako sa sofa at binuksan ang cellphone ko. Dahil bored ako ay napadpad ulit ako sa Tiktok at bumungad sa akin ang video ni Brook na sumasayaw ng Fever ng Enhypen.

Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Where stories live. Discover now