Kabanata 4

41 3 0
                                    

Kabanata 4


Okay, so next week monday ay may mall tour siya. Copy.


I opened my phone and captured some important schedules ni Brook. I don't even know what is happening to me! Gusto ko lang malaman kung ano ang mga gagawin niya next week. Hindi ko pinahalata kay papa na nag-picture ako ng schedules niya baka mamaya hindi na ako makalapit sa kompanya.


Tuesday. Vacant niya pero mukhang naka-schedule ata na pupunta siya sa isang show as a guest pero hindi pa na approve. Grabe, ang benta talaga ni Brook Javier.


Wait... Javier...


Napatingin ako sa empty cup ng coffee na nasa table. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalang Javier sa cup. Don't tell me... pero hindi lang naman siya ang nag-iisang Javier sa buong mundo, malay ko ba!


Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy sa pag-ayos ng mga papers. Next week parang hindi naman ata siya busy dahil dalawa lang ang event na nakalagay dito. Of course, pinicturan ko din ang sched niya for next month. May natagpuan pa nga akong maliit na biodata about him at syempre sino ba naman ako para tumanggi sa blessings diba?


"Ito na po, pa." I smiled and placed the papers on top of his table.


"Grabe umabot ka ng ilang oras sa pagaayos niyan e sampong pages lang naman yan." papa laughed. Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Act normal.


"Ah... kasi po naglalaro pa ako ng games kanina." I faked a smile.


After that ay bored na naman ako. Gusto kong gumala sa buong building at sana naman ay payagan ako ni papa. Binuksan ko ang aking phone and opened my gallery first. I need to check kung ano ang schedule ni Brook ngayon.


It says here na may mall show siya and would end at 3 p.m. Hmm? Didiretso kaya siya sa bahay niya? O pupunta muna dito sa kompanya? Hays. Bakit ba parang patay na patay ako d'yan kay Brook? Crush lang, okay? Crush.


"Pa, gusto kong maglibot sa building." I told papa. Bumuntong-hininga pa ito bago sumagot.


"Okay, sige. Hahayaan kita but make sure not to disturb some of the workers. Busy ngayong araw dahil may—."


"May grand celebration. First anniversary ni Brook sa kompanya." I continued what my papa was about to say.


"Huh?" si papa.


"Huh?" ako.


"Paano mo naman nalaman 'yan?" tanong ni papa. Ngayon lang na sink-in lahat ng sinabi ko. Omg!


"Ano... sa schedule kasi kanina nabasa ko po." I stuttered. Mabuti naman at hindi na nagtanong pa si papa.


"Okay. Di ka pa nakapag-lunch. You should eat sa cafeteria."


Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Where stories live. Discover now