Kabanata 15

31 5 0
                                    

"Brook..."


He stared at me na para bang hindi man lang ito nasiyahan nang makita ako. I admit, nasaktan ako but still I managed to smile in front of him.


"What?"


Napalunok ako sa kanyang tanong. Bakit kasi ang suplado nito? Bakit kasi siya pa yung pinili ng puso ko? Ayan tuloy nahihirapan na din ako sa sitwasyon ko.


"A-ano... eto." I stuttered. Agad kong ipinakita sa kanya ang lunch box na dinala ko.


"What's that?" he asked again. Bakit ba ang dami nitong tanong? Hindi pa ba obvious?


"Para sayo, of course. Alam kong hindi ka pa nakapaglunch--"


"I'm going to eat lunch with my girlfriend. Don't bother." simple ngunit madiin na salita nito. Hindi na niya ako hinintay na magsalita pa at umalis agad sa harapan ko. He passed by me na para bang hangin lamang ako sa kanya.


Sakit naman nun.


"Hoy! Brook sandali-- oh? Patricia?"


Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko na naman ang nakakairitang mukha ni Lucian. Mukhang hinahabol ata nito si Brook. Halata naman kasi sa mukha niya. Full of sweats at halatang hinihingal pa. Tumakbo nga siguro 'to.


"Naks, para sa akin ba 'yan?" he smirked at lumapit sa akin. Napatingin naman ako sa dala kong lunch box. Agad ko siyang hinampas ng mahina sa braso.


"Hindi, no! Para sana 'to kay..." natigilan ako sa pagsasalita.


"Kanino?" tanong nito. Halatang chismoso ah?


"Secret, gagi baka ipagkalat mo." I rolled my eyes at him. "Alis na ako."


"Hoy, sandali lang naman." Lucian grabbed my arm kaya napaharap ulit ako sa kanya. Problema nito?


"Tigilan mo na kasing umasa sa kaibigan ko. Madami pa d'yang iba. Mas pogi pa dun." tumawa pa ito sa kanyang huling sinabi pero hindi ko man lang gumawang ngumiti sa kanya. "Pero seryoso. You deserve someone who is willing to love you back."


"Wow, coming from you?" hindi ko maiwasang sumagot. Mukhang nabad trip naman agad si Lucian sa aking sinabi.

Chasing Love (The Six Ladies Series #3)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora