PROLOGUE

4.9K 162 30
                                    

PROLOGUE:

"No! No! You can't fucking do this to me! Anong ginagawa ko?! Please... Please... Pakawalan mo ako."

Napasandal ako sa batong dingding at dahan-dahan akong napaupo sa maruming semento ng basement namin at unti-unting tumulo ang luha ko. Ayaw ko naman itong gawin pero may iba pa nga bang paraan? Wala na. Mahina akong humahagulgol habang ang babaeng nasa likod ng makakapal na rehas na bakal ay walang tigil sa kasisigaw.

"Pakawalan mo ako! Gago ka! Pakawalan mo ako! Walang hiya ka! Ipakukulong kita! Humanda ka sa akin!"

Napahawak na lamang ako sa aking mukha gamit ang kamay kong madumi at tuluyan akong humagulgol habang paulit ulit kong isinisigaw ang pangalan ng Diyos. Tumagilid ako at humarap sa dingding kung saan may nakita akong kuko na nakaipit sa isa sa mga malalaking bato. Kinuha ko ito at inilapit sa aking bibig. Ibinuka ko ang aking bibig at ng isusubo ko na ito ay napansin ko ang babaeng nakakulong na walang tigil sa kasisigaw. Tumayo ako at kumuha ng isang mahabang sandok at lumapit sa kanyang kulungan.

"Bakit mo dala 'yan?! Anong gagawin mo dyan?! Patayin mo na ako! Patayin mo na ako! Ayoko ng mabuhay! Ayoko ng mabuhay kung ganito rin lamang! Ayoko na! Patayi-"

Natigilan siya sa pagsigaw ng kalampagin ko at paghampas-hampasin ng ubod ng lakas ang rehas. Napatakip siya sa tenga at napaatras. Nginig na nginig ako sa galit o sa pagkasabik, hindi ko alam. Natutuwa ako. Gusto kong tumawa. Sumigaw ako ng napakalakas atsaka ko hinampas ng malakas ang bakal na rehas. Nakakabingi ang ingay. Para bang may kinakatay. Ngunit, hindi pa.

Mamaya pa ito mangyayari.

Tiningnan ko ang babaeng naliligo na sa sarili niyang pawis at nanginginig ng walang tigil. Nakapikit siya at nakatakip ang kanyang tenga, takot na takot siya at halos bumakat na ang mga bato sa dingding sa kanyang likod sa sobrang dikit niya dito. Sinenyasan ko siyang lumapit sa akin.

"Lu-Lumapit k-ka sa a-akin," nanginginig kong tawag, "H-Halika na, d-dali."

Unti-unti siyang nagpadaus-dos sa pababang semento sa loob ng kanyang kulungan at ng saktong lumapit siya sa rehas na nakapaghihiwalay sa aming dalawa ay bigla kong hinila ang kanyang mamasa-masang buhok. Sumigaw nanaman siya ng malakas at nag iiyak.

"Pakawalan mo ako! Masakit! Masakit! Patayin mo na ako! A-Ayoko ng mabuhay!" sigaw niya at ng mapatingin siya sa aking mga mata ay napatigil siya nanglaki ang kanyang mga mata at nanatiling bukas ang kanyang bibig.

"N-Nagulat ka ba?" tanong ko sa kanya. Nanatiling ganoon ang ekspreseyon niya sa akin at bago pa may salitang lumabas sa kanyang bibig ay kinuha ko na galing sa aking bulsa ang panyo ko na may chloroform at saka ito itinapal sa kanyag bibig at ilong. Nagpumiglas siya ng lubusan.

"Sshh... Shhh.. Good night sweetheart, bukas ang pinakamasayang araw ko at magiging malaking bahagi ka nito," mahina kong paalala sa kanya habang nakatitig siya sa akin hanggang sa unti unti itong pumikit at tuluyang mawalan ng malay.

Burger Factory (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin