Chapter 8

1.3K 59 4
                                    

Chapter 8

Mmm... Smell of bacons. Napabangon ako agad sa amoy na iyon. I found out na nakatulog na pala ako dito sa sofa. Nasaan si Oliver? Tumayo na ako habang nakapikit ang isang mata. Ang liwanag ng paligid.

"Crescentine... We need to talk," I almost fell ng marinig ko ang boses ni mama! Nakakagulat siya.

Galing siyang kusina. Malungkot ang mukha niya at puno naman ng pag aalala ang boses niya.

"Bakit po? Saan nga po pala si Oliver?" tanong ko habang palapit sa kusina

Hinawi ko ang kurtinang nagsisilbing pinto rito. Tiningnan niya ako ng napakalungkot. Sinabi niyang umupo muna ako. Ano bang nangyayari? Natatakot na ako. Huwag naman sanang matinding problema ito. D'yos ko!

"Crescentine... Nalulugi na ang burger factory," sambit niya

Para bang may nag-ting! Sa ulo ko at bigla akong nakaramdam ng hilo. Anong ibig sabihin ni mama? Lugi? Papaano? Hindi ako naniniwala! Hindi pwede! Maayos ang lahat. Maayos ang lahat alam ko.

Napatayo ako sa kinauupuan ko, "But, ma! Okay naman ang lahat ha?! Okay lang naman 'diba? Last time na tumulong ako sa pagluluto ng burgers okay naman. Maraming customer!"

I clearly don't know what to do. Kasalanan ko ba? Sinong may kasalanan? Nasaan 'yung perang kinita namin? Nasaan 'yung perang pinaghirapan namin?!

"Makinig ka sa akin anak, ang bilis ng mga pangyayari," sabi niya sa akin, "Hindi ko alam, ang una ang alam ko maayos pero unti-unti na pala tayong nalulugi."

"Tell me what happened ma," maikli kong sabi

Hindi na malaman ni mama kung paano niya mapipigilan ang luha niya. Kapag nagsarado ang Burger Factory at mawala ang lahat ng perang ginastos namin para maipundar ang maliit naming business, ay siguradong pupulutin na lamang kami sa lansangan. Walang-wala na kami. Lahat ng naiwang pera ni papa ginamit na namin dito.

"Ma..." sabi ko bilang paalala sa explanation na dapat niyang sabihin.

"Anak kasi... 'nak, ano e," pababaling-baling siya ng ulo, "Nagpautang din kasi ako 'nak, may tubo naman 'yun,"

I knew it. Alam ko na. Tinakasan si mama? Ganoon ba? Ganoon naman talaga e!

"Si Mang Hernando sa may kabilang kanto pinautang ko 'yun ng kinse mil," napakamot na lamang siya ng ulo, "'Yung kinse mil na iyon 'yung ginagastos natin para magpatuloy ang business, nangako naman siyang ibabalik niya agad at papatungan niya pa ng dalawang libo kaso... Nilayasan ako, wala na! Lumipat na daw."

Napahawak na lamang ako sa aking bibig. Pigil na pigil ang galit at poot ko. Ayaw kong magwala sa harap ni mama. 'Yun palang gagong iyon ang nangutang. Punyeta naman pala! Hindi manlang ba naisip ni mama na malabong magbayad 'yung hayop na 'yun? Si Mang Hernando 'yung matandang lalaking nangbubugbog ng asawa't anak niya. Fuck!

Tumakbo ako paalis ng kusina at pa labas ng bahay. Tinangka akong habulin ni mama pero 'di nagtagal ay pagtawag na lamang sa pangalan ko ang kanyang nagawa. Hindi pa ako nakapagtooth-brush, nakapag-suklay pero heto ako ngayon naglalakad sa gilid ng kalsada. Naiinis na talaga ako sa bahay. Kaliwa't kanan ang problema!

Naglakad-lakad lang ako ng maisipan kong bisitahin si Oliver. Baka naman kasi umuwi na siya sa kanila noong tulog ako. Malapit lang ang bahay niya actually, kahit lakarin ko na ngalang e. Pagkarating ko sa harap ng bahay nila ay walang alinlangan akong nagdoorbell.

Maliit ngunit maayos ang kanilang bahay. May maliit na bakuran at may maliit na dog house. I wonder kung kailan ulit siya bibilhan ng tita niya ng bagong aso. 'Yung dati niya kasing aso e nawala daw noong minsan sa gubat. Hindi na niya nakita.

Burger Factory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon