Chapter 1

4.3K 127 32
                                    

Chapter 1

This Burger Factory will be our family business. Pagkatapos kaming iwanan ni Papa ay kailangan nanaming maghanap ng aming ikabubuhay, wala naman kaming ibang aasahan kundi kami-kami lang kaya naman napagdesisyunan ni Mama na magtayo kami ng isang burger factory. Burger Factory ang pangalan ng business namin, at bakit naman burger ang napili naming gawing business? Simple lang, dahil noong bata ako talagang mahilig ako sa mga burgers 'yung tipong ang umagahan ko ay burger ganoon din ang tanghalian at hapunan ko.

Pangalawa, nagsara na ang tindahan ng burger sa tapat ng bahay namin at 'yung mga bata 'e naghahanap ng mapagbibilhan kaya naman talagang bebenta kung kami ay magpapagawa ng burger business 'diba?

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa isang upuan sa aming shop at nagtatalon sa saya ng magsink in nanaman sa akin na bubuksan na namin ang burger factory namin.

"Yes! Mamaya maya na ay mag o-open na tayo 'ma! Hindi na ako makapaghintay," sabi ko kay Mama habang pinupunasan niya ang mga pang 2-seater round table namin dito sa aming cafe, "Open na kaya tayo? Excited na akong magluto ng mga burger!"

Umupo ako sa isang upuan ng may nakaguhit na ngiti sa aking labi. Busy talaga si Mama sa kakapunas ng mga tables para sa mga darating na customers. Sana naman maraming pumansin dito sa business namin pagkabukas.

"Okay! 5 minutes na lang at mag oopen na tayo!" nagpemeywang si Mama at ng mapalingon siya sa akin ay nilapitan niya ako, "Baby smile lagi ha? And bumati lagi."

"Opo naman! Excited na ako! Tara na i-open na natin!" sabi ko at saka ako tumayo at lumapit sa aming glass door, "If-flip ko na ba itong sign natin na close, Mama?"

"Wait, Crescentine remember, hindi lahat ng business nagiging successful okay? Maybe hindi tayo tangkilikin ng mga tao so, you have to be brave ha?" paalala sa akin ni Mama ng may mukhang nag aalala. Siguro nababahala siya dahil sa napapansin niyang sobrang energetic ko at sobrang excited dito kaya siguro siya natatakot na madissapoint ako.

"Yes 'Ma," sagot ko, "At hindi ko naman hahayaan na may mangyari masama sa business natin."

Ngumiti sa akin si Mama at saka niya ifinlip 'yung closed sign sa pinto upang maging open. Napatingin ako sa labas ng aming shop at natanaw ko ang mga batang naghilahan at itinuro ang bukas naming shop. Para ba silang sabik na sabik at masayang masaya. Napahinga ako ng malalim at napangiti ng may biglang sumulpot sa harap ko.

"Hi! Crescent! Papasok ako! Ako magbibinyag ng business niyo!" sigaw ni Oliver habang walang tigil sa kakakatok sa glass door ng aming shop. Sumimangot ako at unti-unti kong binaliktad ang open sign upang maging close ng bigla akong tinawag ni Mama.

"Nandyan pala si Oliver, bakit hindi mo muna siya papasukin?" sabi ni Mama habang sinusuot ang kanyang apron. I rolled my eyes and opened the door.

"What?" bungad ko kay Oliver na todo ang ngiti, "Bibili ka ba? Kung hindi umalis ka na."

"Ay, ang sungit mo talaga Crescent," puna niya sa akin, "Teka, eto o flowers."

"Para sa akin?" tanong ko, okay, that was fast. I hate you mouth.

"No! Assuming, para ito sa vase niyo dito sa counter," sabi niya sabay lakad papunta sa counter at saka niya nilagay ang mga bulaklak sa vase, "Next time ikaw naman ang bibigyan ko Crescent."

"Thank you Oliver, 'yan nalagyan ng buhay itong shop namin dahil sa flowers mo," sabi ni Mama kay Oliver, "Do you want some burgers? Crescentine can make you some."

"Ma!" pigil ko kay Mama, ayoko ngang ipagluto ang lalaking ito

Sandali kaming nagkatitigan ni Mamang biglang tumunog ang door chimes namin. Isang batang babae ang pumasok na may hawak hawak na singkwenta. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at mukhang ito ang anak ng bagong lipat naming kapit-bahay.

Burger Factory (COMPLETED)Where stories live. Discover now