Chapter 7

1.4K 58 6
                                    

Chapter 7

Nahihilo ako. Iyan ang una kong nararamdaman ngayong unti-unti kong iminumulat ang aking mga mata. Liwanag. Nakakasilaw na liwanag ang bumubulag sa aking mga mata. Sinubukan kong kusutin ang aking mga mata ngunit.

"B-Bakit..." hindi ko maitaas ang mga kamay ko, "T-Tulong..."

Ang bigat ng aking mga braso. Sinubukan kong tumayo ngunit ganoon rin ang naramdaman ko sa aking mga binti. Hindi ito isang biro. Anong nangyayari sa akin?

Unti-unting bumibilis ang tibok ng aking puso. Pabilis ng pabilis. Nagsisimula narin akong pagpawisan ng malamig. No. No. Totoo na ito. Hindi ako makagalaw! Napaliyad ako bigla, tinangka komg bumangon ngunit masyadong mabigat talaga ang aking mga braso at binti.

Umubo ako kasabay ng mabilis na pagmulat ng aking mga mata, "Saan niyo ako dadalhin?!"

Nakahiga ako sa isang hospital bed habang nasa paligid ko naman ay ang mga nurses at isang doktor. Sa bandang dulo naman ay si Oliver at si Mama.

"Mama! Mama! Tulong!" sigaw ko ng buong lakas. Umiikot ang aking paningin kaya naman tuluyan akong nabuwal at napahiga ulit.

Tumingala na lamang ako at pinanood ang ilaw na aming nadaraanan. Marahil ay naaksidente ako kaya't naririto ako. Napansin kong unti-unting dumidilim ang paligid at bumibilis ang pagtulak at paghila nila sa kamang kinalalagyan ko.

Pumikit ako at muli akong dumilat.

Nasa kabaong ako! Napasigaw ako ng ubod ng lakas at napansin kong lumiliit ang kabaong na kinalalagyan ko. Sumigaw ako muli at ng tumigil ako ng may marinig akong mag ssshh... Dumilat ako at nakita kong ang mga nurses at ang doktor ay may ulo ng iba't ibang hayop.

Ang isa ay kabayo, ang isa ay baboy, kalabaw, manok, at baka. Umiikot ang kanilang mga mata at may tumutulong dugo sa kanilang bibig. May mga bulungan rin sa paligid. May mga boses sa paligid. Nagdarasal sila ng paulit-ulit. Unti-unting nababali ang leeg nila.

"Tigilan niyo na ako!" napapikit na lang ako at sumigaw ng pagkalakas lakas.

Nakaramdam ako ng sensasyong nahulog ako kaya't napamulat agad ako at napakapit sa kama.

Nasa isang kwarto ako. Nasa aking kwarto na ako.

"Crescent! Nagising ka! Buti na lang gising ka na!" lumapit sa akin si Oliver, "Bakit parang gulat na gulat ka ata dyan? May problema ba?"

Napahawak na lamang ako sa aking ulo at pumipikit. Anong nangyayari sa akin? Napailing-iling ako ng dahan dahan.

"Oliver... Kailan pa ako nandito?" idinilat ko ang aking mga mata at bumugad sa akin ang maganda niyang mukha

Sumandal si Oliver sa office chair ko at sumimangot, "Kanina pa, hinanap kaya kita! Pinag alala mo ako."

Kanina pa? Ano namang ibigsabihin nung nasa ospital ako?

"Kasi, hinanap kita tapos nakita kita sa isang butas," huminto siya at tumingin sa kanyang kamay, "Grabe 'yung kaba ko ng makita kitang walang malay kaya 'yun, niligtas kita."

Napahiga na lamang ako muli at huminga ng malalim, "Pasensya na."

"Ha? Bakit? Anong ginawa mo?" tanong sa akin ni Oliver

"Kasi naabala kita, masyado akong pabaya sa sarili ko," sagot ko saka ako tumagilid, "Oliver, baka pwedeng umalis ka muna kailangan ko pang magpahinga."

Sumang-ayon naman siya at narinig kong bumukas ang pinto ko at sumarado. Everything is so weird this past few days. May tama na ata ako sa utak kaya ako nagkakaganito. Baliw na ba ako? Malamang.

Burger Factory (COMPLETED)Where stories live. Discover now