Chapter 4

2.1K 73 4
                                    

Chapter 4

Umupo sa tabi ko si Oliver dala-dala ang plato niya na may nakapatong na kutsara't tinidor at baso. Sumunod naman si Kiyoko na umupo sa tapat ko.

"Nandito ka nanaman, Oliver?" wika ko habang tinitingnan siya na para bang sinasabi ang mga katagang niloloko-mo-ba-ako?

"Hala! Anong masama?" banat niya sabay sandok ng kanin. Nilagyan niya ang plato niya pagkatapos ay sa akin naman at sunod kay Kiyoko.

"Watashi wa peko peko desu," Gutom na ako, sabi ni Kiyoko habang nakatitig sa fried bacons

"Kain ka na Kiyoko," nakangiti kong sabi sa kanya

"Hai! Hai! Goshisosama deshita!" Opo! Opo! Thanks for the food!, sabi niya sabay kuha ng isang habang bacon at subo

Ngumiti sa akin si Oliver at inirapan ko naman siya. Pero sa totoo lang... Hindi ko mapigilang mapangiti. Anong nangyayari sa akin? Oo, alam kong maganda nga ang mga ngiti ni Oliver. Hindi ko iyon kayang ipagkaila. Siya 'yung tipo ng lalaki na hindi ka lang matutunaw kapag nginitian ka niya kundi titigil ang mundo mo oras na kumurba paitaas ang mga labi niya.

"Kumain ka na Crescent, ano bang gusto mo? Lalagyan na kita," alok niya. Hindi lang 'yun, maalaga rin siya kung tutuusin. Hindi mo na nga alam kung maalaga siya dahil may gusto siya sa iyo o maalaga siya sayo dahil ganoon talaga siya. May mga ganoon talagang tao na minsan gusto mo ng patayin sa sobrang pagkalito mo sa mga pinapakita nila sayo.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at sumagot, "Uuh, hotdog lang at spam."

"Sige sige," sabi niya sabay tusok sa isang hotdog at dalawang spam pagkatapos ay nilagay niya ito sa kanin ko at pinush ko naman gamit ng kutsara ko ang ulam na nakatusok sa tinidor niya upang bumababa.

"Salamat," sabi ko saka kumain na, "Oo nga pala Oliver, saan ka magcocollege?"

Malapit na kaming magcollege, graduate na kami ng highschool. Pero hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag enroll. Sa totoo lang, kinukulit na talaga ako ni mama na pumili na agad ng unibersidad na papasukan. Matagal naman na akong nakapili, hindi pa naman ako nakakagraduate ng highschool ay nakaplano na lahat ng gagawin ko. Unibersidad na papasukan, kursong kukunin... Lahat na iyan ay napag isipan ko na. Kaya lang sadyang hinihintay ko lang talaga si Oliver. Gusto ko siyang makasama kasi sa kolehiyo.

Uminom ng napakaraming tubig si Oliver, "Hmm? Wala pa talaga akong plano 'e, hindi ko pa alam kay Tita."

Oo nga pala, wala na ang mga magulang ni Oliver. Nasaan sila? 'yung tatay niya ay iniwan silang mag ina noong bata pa lamang siya. Hindi ko alam ang buong detalye pero ayon sa mga naririnig rinig ko iniwan nga sila.

"Ikaw Kiyoko? Paano ka na nga pala? Nakapag enroll ka na ba?" tanong ni Oliver, napatigil tuloy sa pagkain si Kiyoko and then she cleared her throat.

"Hai," Oo, sagot ni Kiyoko sabay irap kay Oliver

"Bakit mo nga pala naitanong? Crescent?" sabi ni Oliver.

"H-Ha? Uhh, kasi... Wala lang," ugh! Crescentine isip pa ng ibang palusot, "Ano, kasi hindi ka kasi uhh, nagbabanggit ng tungkol sa college."

Napabuntong hininga si Oliver at nagsalita, "Ah, ganoon ba? Akala ko naman..."

"Ano?" sabat ko, at agad ko ring pinag sisihan iyon. Bakit ako biglang napatanong? Dahil sa umaasa ako na baka alam niya kung ano talaga ang dahilan kung bakit ko siya natanong tungkol sa college.

Biglang namula si Oliver at umiling lang saka sumubo ng pagkalaki-laking kanin.

"Sou? Waaah! Kokoro no kizu wa fukamaru bakari," Talaga? Waaah! Sumasakit tuloy lalo ang puso ko, hirit ni Kiyoko sabay hawak sa magkabilang pisngi niya at nagtwist twist ng kaunti ang katawan niya. Para siyang anime na kinikilig.

Burger Factory (COMPLETED)Where stories live. Discover now