Chapter 10

1.6K 53 12
                                    

Chapter 10

Muli na namang sumikat ang araw sa harap ng aking mga mata. Ang mga huni ng ibon at ang tunog ng nagtatawanang mga customer sa aming factory ang siyang gumising sa aking diwa. Nag unat ako ng katawan habang nakahiga pa sa kama kong dating nabagsakan ng inuuod na pusa galing sa aking kisame. Narealize ko na napakapasaway ko talaga. Sana pala pinabayaan ko na lamang na lumuwa ng dugo ang aking kisame kesa sa siyasatin pa ito, pero tama lang naman 'diba? Kaysa naman sa uod na ang iluwa nito.

Tumayo na ako at agad na naghilamos, nagtoothbrush at nagbihis. Sinuot ko ang t-shirt na sariling design ni mama na may nakasulat na Burger Factory at sa ibaba nito ay ang quote na You will surely love burgers! Sumunod naman ay ang skinny jeans ko na iniregalo sa akin ni Kiyoko. Sinuot ko rin ang bracelet na rinegalo sa akin ni Oliver noong birthday ko.

Napakaganda talaga ng araw na ito. Napakatahimik at napakaliwanag ng paligid. Ngumiti-ngiti ako sa harap ng salamin at nag ayos na. Nagbraid ako ng fishtail at naglagay ako ng pink na lipgloss sa namumutla kong labi. Dapat laging presentable kapag haharap sa customers, 'yan ang laging bilin ni mama sa aming tatlo ni Kiyoko at Oliver.

Lumabas na ako ng C.R at sinuot ang sneakers ko saka lumabas ng kwarto. Bukas ang lahat ng kurtina sa aming bahay. Ngayon ko lang nakita ang bahay naming ganito kasigla. Matagal na panahon na rin na naging tahimik at madilim dito.

Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa kusina ng burger factory. Doon ko nakita si Salvy na nagfa-fry ng patties. Naghuhum pa siya habang fini-flip ito. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya habang nagluluto.

Nakangiti pa siya at mukhang nasa good mood. Inilagay niya sa likod ng kanyang tenga ang lumalawit na ilang piraso ng kanyang itim na buhok. Ilang saglit pa ay napatingin siya sa akin. Nagulat siya ngunit agad niya akong nginitian.

"Good morning loves," masayang bati niya sa akin.

Hindi na ako sumagot, niyakap ko na lang siya mula sa likod. Ramdam na ramdam ko na ngayon kung sino ako. Kumpleto na ako, hindi na tulad ng dati na para bang may kulang pa. Ngayon, kuntento na ako. Alam ko na ang lahat, lahat ng katotohanan.

"Hmm, Crescentine gutom kana ba? Gusto mo ba ng burgers?" alok niya sa akin.

"Sige Salvy, gusto ko 'yung special ha," sabi ko saka ako bumitaw ng yakap. Kumindat pa ako sa kanya bago kunin ang apron ko.

Lumabas na ako mula sa kitchen at doon kumuha ng mga orders. Kahit na medjo kakaunti na lamang ang pumupunta dito ay okay lang dahil ang mahalaga ay unti-unti nanaming nababawi ang mga nawalang pera sa business. Masaya ako na hindi ko na kailangan pang ibenta ang burger factory.

"Oh! Crescentine, long time no see," sabi ng ni lola mildred pagkapasok niya sa shop, "Kamusta ka na?"

Nilapitan ko siya ng may guhit ng ngiti sa aking mga labi. Yumakap ako sa kanya at nakipagbeso-beso.

"Okay lang naman po ako, e kayo po? Kamusta na? Maupo po kayo dito," sabi ko sabay guide sa kanya sa isang malapit na table.

"Ito, medjo magulo ang pamilya," malungkot niyang sabi sa akin.

"Bakit? Bakit po? Ano pong nangyari?" nag aalala ako kay lola Mildred, siya ang lola ni Oliver na ngayon lamang dumating mula Barcelona.

Tumingin siya sa labas ng bintana at tumingin sa akin, "Ang apo ko, si Oliver... Ang tagal ko ng hindi makita."

Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Nakaramdam ako bigla ng kurot sa aking puso. Namimiss na niya ang kanyang apo. Ito na lamang kasi ang kanyang inaasahang kamag-anak. Lahat ng kanyang anak ay iniwan na siya.

Burger Factory (COMPLETED)Where stories live. Discover now