Chapter 3

2.6K 88 22
                                    

Chapter 3

Nag unat unat ako habang nakapikit pa ang aking mga mata. Maliwanag na at parang may basang tumutulo sa aking mukha. Ano nanaman kaya iyon? Tulo galing sa kisame namin?

"Ma! May tumutulo!" sigaw ko habang nakapikit pa ang mga mata, nagtalukbong ako ng kumot at pinilit na muling matulog at oo hindi ko na ulit kayang bumalik pa sa pagtulog

Sluuurp...

Bigla akong bumigwas sa gulat at agad akong bumangon, "Ugh! Ang liwanag!" pumikit pikit ako at ng makita ko ang nasa harap ko ay halos mahulog na ang aking mata at halos tumalon na run ang puso ko pa labas sa aking rib cage.

"Konnichiwa Crescentine-sama!" Hello Ate Crescentine! S-Si Kiyoko! Nasa harapan ko!

"K-Kiyoko?" mahina kong banggit sa kanyang pangalan, tumango naman siya at ngumiti, "Buhay ka!" niyakap ko siya agad at niyakap niya rin naman ako

"Doshite? Daijoubu?" Bakit? Okay ka lang? Sabi niya sa akin

Kumalas ako ng yakap at tiningnan ko siya ng mabuti. Nakapink siyang dress at naka pigtails siya. Mukha siyang nagtataka sa akin . Anong nangyari? Bakit siya buhay? Pero mas okay na ito, masaya na ako dito.

"Nothing, Kiyoko masaya ako! Masaya ako," sabi ko sa kanya, ilang saglit pa ay unti-unting tumulo ang luha ko, "Saan ka na nang galing? Nasaan ka kagabi? Anong nangyari?"

Bago pa muling makasagot si Kiyoko ay biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto, "Anak! Buti na lang at nagising ka na, si Oliver nasa may burger factory siya daw muna ang in-charge."

Si mama na pala ito. Teka! Si Oliver?! Dali-dali akong tumayo at tumakbo pa labas ng kwarto. Si Oliver! Si Oliver! Buhay siya!

"Anak! Saan ka pupunta?!" tawag sa akin ni mama pero hindi ko siya pinansin, "Ah! Bumalik ka ulit ha? May nakahandang pagkain na."

Dali-dali akong bumaba ng hagdan at dumiretso sa may pinto papunta sa kitchen ng Burger Factory. Nakita ko si Oliver na nagluluto ng patty habang naka-earphone, lumukso ang puso KO ng makita ko ang masayahin niyang mukha. Sumasayaw sayaw pa siya habang ibinabaliktad ang mga patty. Nilapitan ko siya at agad na niyakap. Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko, masaya ako at buhay pa siya kahit na ano pang kawirdohan ang dahilan kung bakit siya narito pa rin ay tatanggapin ko.

"Woah! Crescent! Nakakagulat ka! Anong nakain mo?" hiyaw ni Oliver

"I'm glad you're alive," mahina kong wika, "Akala ko patay ka na!"

"What are you saying? Crescent baka nagsisleep talking ka lang ha? Uy! Bitawan mo na ako! Baka sabihin ni Tita kung ano na ginagawa natin!" sabi niya at nagpumiglas siya. Agad din akong bumitaw at pinunasan ang luha ko.

"About what happened kagabi," sabi ko, "Oliver, akala ko mawawala ka sa akin."

He chuckled and then he spoke, "What are you saying? Hindi ako mawawala sayo at hmm, Crescent ha? Mahal mo ako ano?"

Namula ako bigla at nasampal ko siya ng malakas, "Wait! What? Eew! Kadiri ka! Hindi kita mahal ano!"

"And why are you acting like that? You're so weird Crescent, from the dinner sa bahay ni Heart hanggang dito," he cleared his throat, "You've been acting so weird."

What do you expect dumbass? How am I suppose to act normal? He raised his left eyebrow sa akin and he gave a sigh, "Naguguluhan na talaga ako."

"Saan?" tanong ni Oliver at saka niya pinatay ang stove, "Sunog na tuloy."

Burger Factory (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon