Chapter 2

2.8K 84 32
                                    

Chapter 2

"Crescent?"
"Crescent! Gumising ka naman na please? Mayayari ako nito kay Tita! Crescent?"
"Magpapakamatay ako Crescent pag hindi ka pa nagising! Sige ka!"

Unti-unti akong napadilat ng isang boses na iyon. Humikab ako at kinusot kusot ang aking mata. Nakatulog ako? Ha? Nasaan ako?!

"Crescent! Gising ka na! Oh thank God! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo!" wika ng isang lalaking nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko, "Are you okay?"

Si Oliver pala ito, paano siya napunta dito? Ugh! Diba nasabi ko naman na kay Mama na ayokong may kung sinu-sino na pumapasok sa kwarto ko?! Nakakainis naman oh? Hindi manlang ako bigyan ng privacy! Ito pa talagang Oliver na ito ang nanggising sa akin at may gana pa siyang pumasok talaga sa kwa-

"Crescentine, you're awake na. Thank goodness. Malamang ay ginutom mo ang sarili mo bago dumating dito para sulit ang handaan dito sa pamamahay ko. Kayalang siguro hindi mo na kinaya kaya iyan hinimatay ka," boses iyon ni Heart! Nakita ko siyang nasa gilid ng isang malaking bintana, nakasandal at nakangisi sa akin. Pero sandali lang, hindi ito ang kwarto ko! Nasaan ako?! "Crescentine? 'yung itsura mo parang gulat na lamok. Are you okay?"

No... No... No... This can't be happening. Nandito pa rin ako sa pamamahay ni Heart. Napahawak ako sa ulo ko at napabaluktot sa paghiga. Hindi, hindi ito pwede! Ialis niyo ako dito. S-Si Kiyoko. Nasaan si Kiyoko?!

Para sulit ang handaan dito sa pamamahay ko.

Para sulit ang handaan dito sa pamamahay ko.

Para sulit ang HANDAAN dito sa pamamahay ko.

Parang sirang plakang paulit-ulit ang mga sinabi sa akin ni Heart. Ang handaan. Si Kiyoko ang nakahain. Si Kiyoko. S-Si Kiyoko!

"Hoy?! Crescentine para kang sira dyan! Tumayo ka na nga! Nadudungisan mo 'yung kama ng maid namin!" sigaw ni Heart ngunit nagtalukbong ako upang hindi siya makita. Ayaw ko siyang makita!

"Crescent! Tumayo kana! Umuwi na tayo!" boses iyon ni Oliver! Umiikot nanaman ang paningin ko pero hindi ako dapat magpadala, I don't want to stay here sa bahay na ito! I have to get out! At kailangan ko silang maisubong agad sa pulis. Hinding-hindi ko sila mapapatawad sa nagawa nila kay Kiyoko!

"Crescent baka hinahanap na tayo ni Tita? Tara na," aya ni Oliver sabay kalabit sa aking balikat. Nakapagdesisyon na ako.

Agad akong bumangon at hinatak si Oliver. Hindi ko binitawan ang kanyang pulso habang nakaharap ako kay Heart na mukhang natatawa sa ginawa ko, "Anything funny?" tanong ko

"Why? Why are you acting like that? Parang wala ka sa katinuan. Tingnan mo nga ang itsura mo?" sabi niya sa akin at dahan dahan siyang naglakad sa aming direksyon

"Huwag kang lalapit! Nakita ko ang ginawa mo kay Kiyoko! Bakit mo ginawa iyon sa kanya?!" sigaw ko, hingal na hingal ako sa kaba nasa likuran ko si Oliver at hindi siya gumagalaw, "Ilabas mo kami sa pamamahay mo!"

Ngumiti sa akin si Heart at dinilaan niya ang kanyang labi, "Iwan mo si Oliver dito."

"P-Para saan?! Anong gagawin mo sa kaibigan ko?!" nanginginig kong tanong, "Para ba gawin mo rin sa kanya ang ginawa mo kay Kiyoko?! Well, fuck you! He is not going with you!"

Tiningnan ako ni Heart mula ulo hanggang paa at sandaling tumahimik ang buong kwarto. Ilang saglit lang ay naramdaman kong gumalaw si Oliver. Nagsimulang humakbang ang paa niya papunta sa direksyon ni Heart na aking kinagulat.

"Oliver..." mahina kong wika, "O-Oliver! Are you insane?! Hindi ka sasama sa kanya!" sigaw ko sabay hila sa kanya ngunit para siyang bato napakalakas niya at napakatigas niya ni hindi ko manlang siya maigalaw

Burger Factory (COMPLETED)Where stories live. Discover now