Kapitulo VIII - Mysterious Admirer

4.3K 134 6
                                    

Kasalukuyang nag-aalmusal si Janina nang bigla siyang tawagin ng kanyang ina palabas ng kanilang bahay. Mabilis niya itong pinuntahan dahil sa pag-aalala.

"Ma, bakit po???"

"Anak, nakita ko 'tong nakasabit sa gate..." malumanay na sagot ng kanyang ina, sabay abot ng isang bouquet ng red roses.

"Eh para kanino daw po 'to?" Kinuha naman agad niya ang maliit na card na nakaipit doon.

For the beautiful girl I wanna be with forever...

Nina

[V.]

"V? Sino'ng V 'yan anak?"pag-uusisa ng kanyang ina.

"'Di ko po alam Ma. Wala po akong kilalang may initial na V." paliwanag niya habang nakatitig pa rin sa mga salitang nakasulat sa card.

"Oh, ano'ng gagawin mo dito?"

"Itapon n'yo na lang po..." wala sarili niyang sagot.

"Ha? Sayang kaya 'to..." angal ng kanyang ina. Inamoy pa nito ang mga rosas, na paborito nitong bulaklak. "Pwede ba'ng akin na lang 'to anak?" Nakangiti nitong pakiusap sa kanya.

"Ah sige po Ma..." Nakangiti rin niyang sagot dahil sa munting hiling nito.

"Naaalala ko lang kasi yung huling beses na binigyan ako nito ng Daddy mo..." paliwanag pa nito sa kanya.

"Mama miss ko na rin po siya..."

Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang ina dahil alam niyang nangungulila pa rin ito sa kanyang ama. Kahit pa halos limang taon na ang nakakalipas mula nang mamatay ito sa isang malagim na aksidente.

Siya rin naman nangungulila sa kanyang Daddy James kaya nga laging niyang hinahaplos ang kwintas na bigay nito kapag nalulungkot siya.

"Tara na sa loob..." maluha-luha pang aya ng kanyang ina.

"Opo Ma, susunod na po ako..."

"Sige."

Ilang minuto pa siyang nanatili sa labas bago niyang tuluyang isinara ang kanilang gate.

"Kung sino man ang nagpadala ng bouquet na 'yun, sana 'wag na niyang uulitin, kasi wala pa akong panahon sa pag-ibig..." malungkot niyang bulong sa kanyang sarili.

Nasa loob na siya nang lumabas ang isang lalaki mula sa kotseng nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.

"Ang tadhana ang muling naglapit sa'ting dalawa, Nina..."

ALAS-DYIS na ng umaga nang makarating si Janina sa bahay ng mag-asawang Lawrence at Xeanna. Sabik na sabik naman siyang sinalubong ng kanyang pamangkin sa gate palang ng bahay ng mga ito.

"Happy 6th Birthday Kiero Xerence!" pagbati niya rito.

"Thank you po Tita Nina." magalang na sagot nito, sabay halik sa pisngi niya.

"Oh etong gift ko sa'yo. Sana magustuhan mo ha..."

"Syempre naman po."

Pagkakuha ni Kiero Xerence ng kanyang regalo ay inaya na siya ng bata sa loob ng kanilang bahay. Naabutan niya sa salas ang mag-asawang Xeanna at Lawrencena abalaa sa pag-aayos ng mga handa ng kanilang anak. Agad naman siyang binigyan ng mga ito ng makakain.

"'Yung kambal kasama mo ba?" tanong ng kanyang pinsan.

"Pasunod na daw sila Kuya Lawrence. Dadalaw daw muna 'yung family nila sa puntod ni Kuya Kierulf." paliwanag niya habang kumakain.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon