Kapitulo IX - Holdap

4.2K 134 16
                                    

Matapos maghapunan ay masayang pinagmasdan ng mag-inang Ruby at Janina ang mga larawang kuha ng dalaga sa birthday party ni Kiero Xerence kaninang umaga.

"Ma, ang cute talaga ni Xerence noh?"

"Oo nga anak. Para silang pinagbiyak na bunga ni Lawrence oh." sagot pa ni Ruby sabay turo sa isang litratong hawak niya.

"Hawig din po s'ya kay Ate Xea 'di ba?" puna pa ni Janina.

"Syempre naman, pareho kaya sila ng mga mata."

"Ma, wait lang ha. Punta na'ko sa kitchen..."

"Sige anak."

Saglit na nagpaalam si Janina upang ihanda ang desert na kakainin nilang mag-ina. Bumili kasi siya ng pasalubong na chocolate cake bago umuwi. Mamaya pang madaling araw makakauwi ang kanyang Ate Celine mula sa pinagtratrabahuan nitong call center kaya ipagtatabi na lang niya ito sa refregrator.

Nagtitimpla na siya ng orange juice nang maisip niyang muli ang mga sinabi ni Kiero Xerence sa kanya.

"Alam kong naririnig mo 'ko ngayon..." bulong niya habang unti-unting pinakikiramdaman ang presensya ng kaluluwang humihingi sa kanya ng tulong. "Bakit nga pala nagpakita ka sa pamangkin ko kanina? May gusto ka bang sabihin sa'kin?"

Sunud-sunud na ang mga katanungan niya pero hindi naman siya sinasagot nito. Pakiramdam din niya ay parang wala ito sa paligid niya ngayon. Kaya naisip niyang bumalik na sa kanilang salas.

"Basta kung ---AHHHHHH!!!"

Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil may isang putol at duguang kamay ang biglang humawak sa stainless tray na hawak niya. Sa sobrang takot ay pumikit na lang siya para hindi niya makita pa ito.

Agad siyang pinuntahan ng kanyang ina dahil sa pag-aalala. "Nina ano'ng nangyari?!" gulat na tanong nito.

Nanginginig pa siya nang muli niyang imulat ang kanyang mga mata. "Mama...Ma..."

Bago pa makalapit ang kanyang ina ay taranta na niyang dinampot ang mga nabasag na baso kaya nasugatan siya. Binalewala lamang niya iyon at ipinagpatuloy ang pagdampot dito.

"Ako ng bahala d'yan anak." pigil sa kanya nito. "Bakit ka ba sumigaw?" usisa pa nito habang pinupunasan ang kanilang sahig.

"Nadulas po ako kaya napasigaw ako..." pagkakaila niya sabay sipsip sa kanyang daliring nasugatan.

"Oh siya gamutin mo na agad 'yan." utos na lang nito sa kanya.

"Opo..."

Nagdalawang-isip pang umalis si Janina sa kanilang kusina. Luminga-linga pa siya sa paligid sa takot na makikita niyang muli ang putol na kamay.

Patakbo siyang umalis nang maisip niya ang kanilang class picture. Mabilis siyang pumasok sa kanyang kwarto at hinalungkat ang drawer na pinaglagyan niya nito.

"Nasa'n na ba 'yun?"

Nailabas na niya ang lahat ng laman ng drawer pero wala roon ang Class Picture pero sigurado siyang doon niya itinago iyon. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nakalutang sa kanyang harapan ang picture na hinahanap niya.

"Lima na..." Isang bagong patak ng dugo ang muling tumakip sa mukha ng isa sa kanyang mga kaklase. "Siya na ang mamamatay..." aniya habang nakatitig sa taong iyon.

TAGAKTAK ang pawis ni Henry habang nagkukubli sa madilim na bahagi ng isang gusali. Magkahalong pag-aalinlangan at kaba ang kanyang nararamdaman habang matama niyang pinagmamasdan ang mga taong nasa paligid. Sa bawat hithit-buga niya sa kanyang sigarilyo ay nagkakaroon siya ng lakas ng loob upang gawin ang kanyang mga binabalak.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now