Kapitulo XIII - Vladmir

5K 117 13
                                    

"RIQ HELP ME PLEASE!"

"Shout louder! But no one will hear you Monique..."

"You heard something but you ignored it..."

"NOOOOHHH!!!"

"Isa lang ang aking itatanong sa'yo... Ano'ng sinabi mo sa mga taong nagtanong sa'yo noong July 07, 2000?"

"WALA! Humanda ka. Ililibing kita ng buhay!"

"Wala?Ilang beses na bang nagsinungaling 'yang dila mo Enrique?"

"BOOM!"

"Kung bihasa ka man sa kasinungalingan...Sa oras na sabihin mo ang katotohanan ay hindi ka na nila paniniwalaan..."

"Tumakbo ka na Lawrence Lozano!"

"Ano bang sinasabi mo?"

"Akala mo ba matatakbuhan mo ang lahat. Nagkakamali ka Lawrence..."

"AHHHHH!!!"

"Nadadala ka man nito kahit saan, ngunit bakit pati katotohanan iyong tinakbuhan..."

Nanindig ang mga balahibo ni Isabelle habang naririnig niya ang mga boses na iyon. Paminsan-minsan din siyang nasusuka sa tuwing bumabaling ang kanyang tingin sa mga duguang parte ng katawang nakalagay sa mga glass cases.

"Diyos ko iligtas N'yo po ako...Sana po mailigtas ako ni Dmitri sa lugar na 'to...Ayoko pang mamatay..." panalangin niya.

"Kung akala mo, malilimutan mo ang nangyari sa isang kisapmata...nagkakamali ka..."

"Lahat ay iyong nakita ngunit ipinagwalang-bahala..."

"A-ano'ng sinasabi mo???"

"Alam mo ang iyong mga nakikita..."

"AAAAHHHHHHHHH!!!"

"Anumang nakikita ng mga mata ay hindi dapat ipagwalang-bahala...Lalo na kung katotohan ang ang iyong nasaksihan..."

"Diyos ko, patawarin N'yo po ako, pero ayoko po'ng makulong...Pa'no na si Crystal?"

"Hanggang kailan mo ba gagamitin ang mga kamay mo para gumawa ng masama? Hindi ka na makakatakas pa Henry Osmenia..."

"S-sir ma-awa po kayo...Wag n'yo kong pa-patayin..."

"Sabi nga nila, kung ang isang parte ng katawan mo ay nakagawa ng mga matitinding kasalanan, dapat mo itong putulin..."

"Gago ka! Pakawalan mo ko rito bakla ka!"

"Bakla??? Sorry p're 'di tayo talo no..."

"Okay time is up Warren..."

"Hindi masama ang magmahal....pero ang masama ay gawin itong dahilan upang gumawa ng malaking kasalanan..."

"Nagmahal ka nga pero mas pinairal mo ang puso mo kesa sa utak mo..."

Matapos ang mga nakakabinging mga boses na kanyang narinig ay isa-isang ng lumabas sa ibabaw ng bawat glass cases ang picture ng mga taong nagmamay-ari ng mga bahagi ng katawan na nasa loob ng mga iyon.

"WARREN!"

Napasigaw siya nang makita niya ang pugot na ulo ni Warren, na biglang ihinarap sa kanya. Napasuka na naman siya dahil sa nakakadiring hitsura ng mukha nito. Nakanganga. Luwa ang mga mata at punong-punong ngdugo ang buong mukha. Dahil din sa kanyang nakikita ay parang nawala na ang galit niya rito. Napalitan iyon ng awa dahil sa lagim ng pagkamatay nito.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now