Kapitulo XII - 7th Part

4K 124 7
                                    

Sumugod agad sa St. Patrick's Hospital Medical Center si Dmitri nang malaman niya ang nangyari kay Isabelle. Mabuti na lamang ay naroon din siya sa Playa Laiya, San Juan, Batangas para bisitahin ang resort na pagmamay-ari niya, ang Morris Paradise. Ayon sa mga staff ng Forlorn Forever ay may isang taong nakakita raw kay Warren sa location nila noong gabing iyon. Kaya wala na silang ibang pinaghinalaang gumawa ng masama kay Isabelle kundi ang lalaking iyon lang.

Tulala pa rin si Isabelle kahit ilang oras na siyang gising matapos ang masamang nangyari sa kanya. Hindi man tuluyang naisagawa ni Warren ang panghahalay nito sa kanyaay hindi pa rin niya matanggap na nangyari sa kanya ang ganoong sitwasyon.

"Babe, you need to eat..." pakiusap sa kanya ni Dmitri. Muli pa nitong tinangkang subuan siya pero iniiwas lang niya ang kanyang ulo.

"Walang hiya siya..." umiiyak niyang paghihimutok. Nanginginig pa siya habang paulit-ulit niyang nakikita ang mukha ni Warren sa kanyang isipan. Napapikit na lang siya habang nakatakip ang kanyangmga mata at tainga. "---pagbabayaran niya ang ginawa niya sa'kin." giit niya sa sarili.

Naawa sa kanya si Dmitri kaya mahigpit siyang niyakap nito. "Don't worry Babe, I'm here..." Hinalikan pa nito ng madiin ang kanyang noo. "No one will hurt you again." pangako pa nito sa kanya.

Nasa ganoon silang posisyon nang pumasok ang isang nurse sa kwarto. Ilang segundo palang itong nakakapasok nang marinig nila ang pagkakagulo ng mga tao sa labas ng kanyang kwarto.

"Sir, kailangan lang po naming makuha ang statement ni Isabelle." giit ng isang babaeng reporter sa mga security guards na nagbabantay sa labas.

Nang marinig ito ni Isabelle ay napabitaw siya sa mga bisig ni Dmitri.

"Don't mind them Isabelle..." pigil sa kanya nito. "Useless na rin ang statement mo dahil pinagbayaran na ng hayop na 'yun ang ginawa niya sa'yo." paliwanag pa nito.

"Ha??? Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"

"I heard the news kaninang umaga, na Warren was killed by the serial killer." sagot ni Dmitri habang nakatitig sa kanyang mga mata. "Pinugutan siya ng ulo and his body was burned on." gigil pa nitong pagkukuwento sa kanya.

Alam niyang matinding galit ang nararamdaman ni Dmitri dahil sa walanghiyang ginawa sa kanya ni Warren kaya hindi niya maaalis ritong matuwa sa sinapit ng lalaking iyon.

Hindi na siya nakaimik pa dahil sa kanyang mga nalaman. Kung siya ang bibigyan ng pagkakataon ay mas gusto niyang sa kamay niya mismo mamatay si Warren dahil binaboy siya nito. Pero alam niyang walang patutunguhang mabuti ang gagawin niya kaya mas nanaisin na lang niyang mabura sa alaala niya ang mga nangyari. Gaya ng mga alaalang pilit na bumabalik sa kanyang isipan, matapos ang mahabang panahong pagkalimot sa mga ito.

"Please forget him..." malambing na pakiusap sa kanya ni Dmitri. Inalok pa siya nito ng mansanas na agad niyang kinagat.

"I will. I will forget what happened." mahina niyang sagot. "Thanks for being here Babe. Thanks for everything." At hindi na niyang napigilan ang kanyang pag-iyak.

Isang halik ang ipinagkaloob sa kanya ni Dmitri para mapanatag na ang kanyang kalooban. Gusto man niyang ipagtapat sa kanyang boyfriend ang mga alaalang pilit na bumabalik sa kanyang isipan ngunit nananaig pa rin ang takot niyang baka magbago ang tingin nito sa kanya. Hindi pa man niya tuluyang naaalala ang kanyang nakaraang buhay pero nakahanda na siyang tuluyan iyong kalimutan dahil kontento na siya sa buhay niya ngayon.

ILANG oras ng nakatulala si Janina mula nang siya ay magising mula sa isang bangungot. Nagkulong siya sa kanyang kwarto at walang pinapasok na kahit sino kahit pa ang kanyang ina at kapatid.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now