Prologo

15K 430 14
                                    



Bata pa lamang si Janina 'Nina' Mercado nang matuklasan niya ang kanyang kakaibang kakayahan---ang makakita ng mga nilalang na hindi pangkaraniwang nakikita ng isang ordinaryong tao.

Dahil sa pagkakaroon niya ng third eye ay napagkakamalan siyang nasisiraan ng bait. Kaya pinipilit niyang labanan ang presensya ng mga nakakasalamuha niyang kaluluwa. Ngunit pagkalipas ng mahabang panahong pananahimik, muli na naman siyang gagambalain ng mga ito.

Isang kaluluwa ng lalaki ang gumambala sa kanyang panaginip, isang gabi bago ang kanyang ika-20 kaarawan. Hindi man niya nakita ang mukha nito ngunit nararamdaman naman niyang parang nagkakilala na sila nito noon.

Sa paglipas ng mga araw, pitong tao ang isa-isang papatayin ng isang serial killer. Bawat isa ay mawawalan ng isang bahagi ng kanilang katawan, bawat isa rin ay magpapakita sa kanya bago pa mangyari ang kanilang kamatayan. Sa pamamagitan ng mga premonisyong ito, pakikiusapan siya ng kaluluwang unang gumambala sa kanya upang iligtas silang lahat.

Kakayanin kaya niyang iligtas ang mga taong iyon?

Sino nga ba sila at ano ang koneksyon nila sa isa't-isa?

Lalong-lalo na sa kanya?


I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now