Kapitulo XI - Puso o Isip?

4K 128 9
                                    

Hatinggabi na ngunit patuloy pa rin ang shooting ng Forlorn Forever sa Isla Verde, Batangas.

"Akala ko ba ako ang mahal niya?" Sentimyento ni Gineva (Isabelle Kae) nang makapag-isa na siya sa loob ng maliit na kubo. "---pero bakit hinayaan niyang landiin siya ng babaeng 'yun???"

Mas lalo pang lumakas ang kanyang pag-iyak nang marinig niya ang malakas na katok ni Toffee (Rouel Flores) sa pinto.

"Gie, pakiusap hayaan mo 'kong magpaliwanag..." giit nito.

"Hindi ko na kailangan ang paliwanag mo. Umalis ka na!" sigaw niya.

Sa pag-aasam ni Toffee na makausap siya ng maayos ay nagawa nitong sirain ang pinto. Patakbo siyang niyakap ng kanyang babaerong iniibig.

"Patawarin mo 'ko Gie. Kung nasaktan kita sampalin mo 'ko..." giit nito habang hawak ang kamay niyapero binawi rin niya agad iyon.

"Patayin mo na lang ako!" pagmamakaawa pa ni Toffee habang nakaluhod sa harap niya, " Kasi wala ng silbi 'tong buhay ko, kung mawawala ka sa'kin..."

Dahil sa narinig niya ay wala sa sarili niyang hinalikan sa labi si Toffee. Sinibasib niya ng halik ang mainit at mapang-akit na labi ng binatang kanyang iniibig. Husto na ang mga sinabi ni Toffee para mapatunayan niyang siya ang tunay na tinitibok ng puso nito.

"Ok cut! Next scene tayo!"

Pagkasabi nito ni Direk Nehemiah ay agad ring nagkahiwalay ang mga labi nila Isabelle at Rouel.

"Ang galing mo..." papuri pa ni Rouel sa kanya dahil sa ipinakita niyang galing sa kanilang mga eksena. Kaya naman masayang-masaya niyang nilisan ang kubo upang magpunta sa banyo.

"Sana magtuloy-tuloy na ang break ko." hiling pa niya habang papasok siya sa maliit na kubo kung saan naroon ang banyo.

Naghuhugas na siya ng mga kamay nang makarinig siya ng mga kaluskos.

"Sino 'yan? Pakisabi kay Direk susunod na 'ko." aniya sa pag-aakalang production staff lang ang naghihintay sa kanya sa labas.

Ilang minuto pa ang lumipas. Palabas na sana siya pero ikinagulat niya ang taong nakita niyang nakatayo sa harap ng pinto.

Isang lalaking nakasuot ng puting maskara ang agad na tumakip sa kanyang bibig. "Wag kang gagawa ng anumang ingay, kung ayaw mong maiskandalo." giit nito.

Hindi na siya nakaimik kaya iginiya pa siya nito papasok sa loob at ikinandado pa ang pinto.

"'Wag ka ring sisigaw dahil wala namang makakarinig sa'yo..." pagkasabi nito ng lalaki ay naramdaman na rin niyang unti-unti siyang pagkahilo dahil sa ipinaamoy nito sa kanya.

MABILIS na ihiniga ng lalaki ang lupaypay na katawan ni Isabelle sa lupa nang tuluyan na itong nawalan ng malay. Inalis na rin niya ang maskarang kanyang suot kaya natunghayan ang kanyang mukha---walang iba kundi si Orville Warren Woo.

Gigil na gigil niyang sinibasib ng halik ang malambot na labi ni Isabelle hanggang sa leeg nito. Nang dumapo ang kanyang labi sa mga dibdib ng dalaga ay pwersahan niyang sinira ang suot nitong blouse saka niya marahas na pinaglaruan ang mga dibdib nito.

Nang hindi na niyang kayang pigilin pa ang pagnanasang kanyang nararamdaman ay mabilis niyang hinubad ang kanyang polo. Sinira na rin niya pati ang paldang suot ni Isabelle.

"You'll be mine now Isabelle..." gigil niyang sabi habang naglalaway sa katawan nito. Akma na niyang gagawin ang pagsira sa pagkatao ni Isabelle nang marahas na bumukas ang pinto ng kubo.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now