Kapitulo II - Usok

8K 218 10
                                    


Alas dos pa lamang ng hapon nang makarating sina Janina at ang kambal sa bahay ng mag-asawang Lawrence at Xeana. Mas napaaga ang kanilang pagpunta dahil wala ang mga professor sa kanilang last two subjects. Masayang-masaya sila dahil alas syete pa ng gabi ang kanilang duty sa Valenzuela Medical Center kaya mas magtatagal sila rito.

Pagdating palang ay pinagkaguluhan na ng kambal ang batang si Kiero Xerence. Lalo na si Xeira na-activate na ang KX Mode dahil todo kuha ng picture sa kanyang little crush.

"Ang cute mo naman. Kamukhang-kamukha mo daddy mo." puri pa niya sa bata habang pinipisil-pisil ang pisngi nito.

"Oo nga." sang-ayon ni Xeiya, "'yung mga mata niya pareho ng kay Kuya Lawrence." puna pa niya.

"Pero 'yung lips at nose naman n'ya kay Ate Xeana." dagdag naman ni Xeira.

"Thank you po." nakangiting pasasalamat sa kanila ni Kiero Xerence. Sabay pa nilang pinisil ang pisngi nito dahil sa paglabas ng mga pares ng dimples nito.

Napangiti naman si Lawrence sa mga papuri sa panganay nilang anak ni Xeanna. Mistula nga silang pinagbiyak na bunga ni Kiero Xerence ngunit kung titingnan mo sa ibang anggulo ang mukha ng kanilang anak ay nagiging kahawig nito ang kaibigan niyang Kierulf Van Morales. Lalo na dahil sa pagkakaroon nito ng dimples gaya ni Kier, na parang hindi nito minana sa kanilang mag-asawa.

"'Di ba July 04 ang birthday mo?" Naitanong bigla ni Xeira sa kanyang anak.

"Oo, Xeira." sagot niya sa dalaga. "Bakit mo naitanong?"

"Kasi pareho pala sila ni Kuya Kier." sagot ni Xeira nang maalala ang kanyang yumaong nakakatandang kapatid.

"Kaya nga isinunod talaga namin ang pangalan niya kay Kier eh..." paliwanag pa niya rito.

Sapagkat hindi nawala isip nilang mag-asawa ang binitiwan nilang pangako sa libingan ng kaibigan nilang si Kier. Na isusunod nila sa pangalan nilang magkakaibigan ang pangalan ng magiging una nilang anak na lalaki. Kiero, mula kay Kier at Xerence naman mula sa pangalan nilang mag-asawa. Ginawa nila ito bilang pagtanaw ng malaking utang na loob kay Kier dahil sa panibagong buhay na ipinagkaloob nito sa kanya. Sapagkat ang puso ni Kier ay kasalukuyan ng nasa dibdib niya upang tuparin ang pangako nitong patuloy na magmahal kay Xeanna.

"Hey tama na' yan." saway ni Janina sa mga kaibigan, "Baka mausog n'yo yung pamangkin ko." pabiro pa nitong sabi habang nakaharang kay Kiero Xerence.

"Sige na nga, tingnan naman natin si Baby Xerene." sabik na sabi ni Xeira. Ito pa talaga ang naunang lumapit sa hagdan paakyat sa kwarto ng kanyang bunsong anak.

"Nina, isama mo na sila sa kwarto ni Ate Xea mo." utos niya sa kanyang pinsan, "Ipaghahanda ko na rin kayo ng meryenda."

"Okay Kuya." sagot ni Janina. Natawa pa ito nang makitang halos nasa kalahati na ng pag-akyat sa hagdan ang kambal, kasama si Kiero Xerence. "Exzoited ang mga bestfriends ko." Narinig niyang bulong nito.

"Hayaan mo na sila." natatawa niyang sagot.

KASALUKUYANG natutulog sa kanyang kuna ang sanggol na si Kiera Xerene kaya naman natahimik ang kambal nang makarating sila sa kwarto nito. Pero si Xeira ay ayaw talagang paawat sa kanyang trip kasi todo kuha pa rin siya ng mga larawan ng sanggol.

"Ate Xea, igagawa niya rin si Xerene ng FBPage." natatawang sabi ni Xeiya, patungkol sa gagawin ng kanyang kakambal.

"Talaga? Salamat ha Xeira." sagot ni Xeanna. Kinarga pa niya ang kanyang anak para pagbigyan ang hiling ni Xeira na magkasama sila sa picture. "Gaya ka pa rin ng dati..."£ biro pa niya rito.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now