Chapter 9

300 19 0
                                    

📖Title:My Cold Husband📖
🖊Author:me (Kurt)🖊

💞Chapter 9💞

Khian's pov

Pag dilat ko ay nasilawan ako kaya napapikit muli ako ng mata. Ng maging ok na ay dinilat ko na ang mata ko di na ako nag taka dahil sa amoy palang na naamoy ko ay nasa hospital ako

Nilibot ko ang maningin ko at nakita ko sila mom and dad na..... nanglilisik ang mata

"Mabuti naman nagising ka na akala ko kasi mag sle-slepping beauty ka dyan" malditang sabi ni mom sa akin kaya umiwas na lang ako ng tingin

"Alam mo istorbo ka rin eh noh, nasa meeting kami ng mom mo pero tinawagan kami ng nurse dahil na aksidente ka" inis na bulyaw ni dad sa akin

"Sorry po" mahinang sambit ko

"ANO BANG KAT*NGAHAN YANG PINAG GAGAGAWA MO KHIAN" singhal ni mom sa akin

"ALAM MO NAKAPAKAMALAS MO SA ANGKAN NATIN DI KO ALAM KUNG BAT INILUWAL PA KITA SA MUNDO EH!!! EH NAPAKAMALAS MO NAMAN SA AMIN DAPAT PALA PINALAGLAG NALANG KITA NOON!!!" dagdag nya pa, parang pinunit ang puso ko sa sinabi ni mom sa akin parang gusto kong umiyak dahil sa sinabi nya at binitawang salita sa akin

"Ganon? Ginawa nyong basura ang anak nyo pag katapos nyong gamitin itatapon nyo nalang!!!"  nagulat kami sa nag salita at napatingin sa pinto ganon nalang ang pag laki ng mata ko ng makita kung sino ang nasa may pinto

'Kuya Kelvin' gusto kong humagulgol sa iyak dahil aa wakas nandito na ang kuya ko na nag liligtas sa akin sa pang aapi ng iba

"Kelvin" gulat na banggit ni mom kay kuya

"Son/kuya" sabay na banggit namin ni dad

Madilim ang mga tingin nya, nag tatagis bagang ang mga panga nya at naka kuyom ang mga kamay nya na animo'y nag titimping manapak ng ibang tao

"Why mom?" malamig na tanong ni kuya kay mom

"A-anak" tangging nasambit nya

"BAKIT!!!!" napaidtad sila mom sa gulat kahit ako dahil sa sigaw ni kuya

"BAKIT NYO BA GINAGANYAN PALAGI SI KHIAN!!! ANO BANG KASALANAN NYA!!!! Mom, dad walang kasalanan si Khian kung namatay si Ate" dagdag ni kuya na ngayon umiiyak na at halata sa mga mata nya ang galit

'Ate?' si Ate Angelica ang pinaka manganay sa amin ni kuya, tatlong taon ang agwat nila ni kuya, habang kami ni ate 7 years ang agwat namin

Bata palang ako non mga 5 year old ako nong naganap ang drahedyang yon, high school na yata si ate non

Na aksidente si ate dahil sa pag ligtas sa akin noon, nabunggo sya ng kotse habang ako tinulak nya ako palayo sa kanya dahil alam nyang mababangga ako

Sobrang sakit ng makita si ate na naliligo sa sariling dugo nya kaya noon sinisisi na ako nila mom and dad dahil sa pag kawala ni ate

Kahit ngayon di ko makakalimutan iyon kahit na matagal na yon nangyari 11 years na rin ang nakakalipas ng mawala si ate sa buhay namin

"Kuya" mahinang bigkas ko

"Bakit mom, dad? Bata pa si Khian nong panahon na yon at isa pa di nya sinasadya iyon" tanong ni kuya

"Anak alam mong nag iisang prinsesa lang natin ang ate mo, PERO NG DAHIL SA KANYA KAYA NAPATAY ANG ATE MO!!!" galit na sigaw ni mom sa kanya

"MOM BATA PA NON SI KHIAN!!! BAKIT BA DI NYO MATANGGAP NA WALA NA SI ATE!!!" sigaw rin ni kuya sa kanila

Napayuko ako, napakuyom na rin ng kamay nag simula na ring mag landas ang mga luha ko

"Tama kayo mom" napahinto sila sa pag tatalo at napatingin sa akin

"Dapat di nalang ako isinilang kung ang nag iisang prinsesa nyo nawala ng dahil sa akin" dagdag ko pa

"HAHAHAHA sabagay simula pa noong sinilang ako si ate na ang nag alaga sa akin, habang ang mga magulang ko busy sa trabaho na kahit kaylan di ko naramdaman ang pag mamahal bilang ama at ina para sa akin. Pag umuuwi si ate agad ang yayakapin at si kuya pero ako?.... Lalampasan lang nila" mahabang dagdag ko muli nanahimik lang sila kuya

"Sabihin nyo na ang gusto nyong sabihin, sumbatan nyo na ako kung yan ang gusto nyo. Pagod na rin naman ako eh sobra na ang pagod ko na mag habol pa ng pag mamahal ng isang magulang. Sino ba ang nag pahalaga sa akin? Sila kuya at Kenneth lang pati sila Zenrick ang mga kaibigan ni Devion. Sila lang ang nag bigay saya sa akin na kahit may kulang pinalakita ko na masaya pa rin ako" mahinang sambit ko, ngumiti nalang ako ng mapakla sa kanila na syang ikinagulat nila

Alam nilang mom na di ako ngumingiti kapag pinapagalitan nila ako palaging nakayuko ang mga ulo ko

"Nga pala nakipag devorce na ako kay Devion, bumalik na kasi ang totoong mahal nya eh. Si Nathalie" saad ko sa kanila

Parehas na nagulat pero si kuya nakakunot lang ang noo maya-maya napabuntong hininga ito

"Isasama ko na si Khian sa Canada malayo sa inyo kaysa pa gawing alipin o hayop pa ang kapatid ko" biglang sambi ni kuya

"Kung kayo di nyo kaya ibigay ang pag mamahal nyo sa kanya, pwes ako na kuya nya gagawin ko iyon ibibigay ko ang pag mamahal na hinihingi nya" dagdag nya pa

"Umalis na kayo mom" malamig na sambit nya

"Ana--- GET OUT!!!" sigaw ni kuya, walang nagawa sila mom kung di ay umalis

Don na ako tuluyan napahagulgol sa iyak habang hinahampas ang dibdib ko

"Sh*t lil bro what are you doing?" natatarangtang tanong nya

"F*ck!! Stop it Khian!!" pag papahinto nya pero sige hampas at iyak lang ang nagawa ko

"AHHHH!!!! AYAW KO NA!!! TAMA NA PLSS!!! TAMA NA!!!" mga sigaw ko na namayani sa loob ng silid

Niyakap nalang ako ni kuya kaya sa kanya nalang ako umiyak ng umiyak

"Shhh tahan na bunso, ilalayo na kita kaysa pa mag hirap ka pa lalo" mahinahong pag aalo ni kuya sa akin

"Mahal ko sya kuya, sila mom and dad pati sya pero tama na siguro ito" iyak na sabi ko

Lalayo na ako, mag papakalayo nalang ako kaysa pa mas lalo akong masaktan kung sakaling mag pakasal sila ni Nathalie

Sila mom and dad kahit lapag man sa akin na iwan sila kung sariling puso ko ay napagod na kakahabol sa pag mamahal nila mas mabuting iwan ko nalang muna sila

'Pasensya na pero hanggang dito nalang ako'

Continue

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

Yong napapaiyak ko dyan hehehehe handa na kayo ng panyo dyan hehehehe

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Where stories live. Discover now