Chapter 45

161 7 0
                                    

Zendrick's pov

Nandito kami ngayon sa may mansion nila Devion pinag paplanuhan namin mung paano masasagip ang nigosyo nila Khian

"Ayaw kong mastress ang kapatid ko lalo na't buntis kaya kahit maari ay wala dapat kayong mabanggit na kahit ano sa kanya" habilin ni Nathalie

Di pa rin ako makapaniwala na si Nathalie ang ate nila Khian. Ang akala kasi namin ay patay na si Angelica pero ngayon nasa harapan na namin ang taong matagal nang wala

"Ikaw nang bahala sa pag i-spy Zendrick kasama mo ang kakambal mong si Zedrick" sabi ni Devion sa amin

"Mag mamamanman lang ba kami?" tanong ni Zedrick sa kanya

"Oo, pero mag iingat pa rin kayo dahil malakas din ang pwersa nila Clarise" sagot nito sa amin

"Sa ngayon iyan na muna lahat" dagdag pa nya bago tumayo

"Dad hanap ka ni dada sa taas" sigaw ni Xander sa kanya

"Nandyan na!!" sagot naman nya bago umalis

"Mauna na kami ni Zedrick, para makapag handa na rin kami" paalam ko sa kanila, tumango naman sila kaya nauna na kaming umalis nito

Habang nasa sasakyan ay pansin kong ang tahimik nitong katabi ko kaya kinalabit ko sya

"Bakit ang tahimik mo naman ata?" tanong ko sa kanya

"Wala lang" sagot naman nito sa akin

Alam kong si Nathalie ang nasaisip nya, sa tagal na rin na nag kagusto sya malamang di nya pa rin inaamin kay Nathalie na may pag tingin sya rito

"Di mo pa rin ba sinasabi sa kanya?" tanong ko sa kanya

"Kanino naman?" tanong nya, aba nag mamaang-maangan pa ang loko psst

"Kanino pa ba? Edi kay Nathalie" sagot ko dito

"Alam mo na?" tanong nya sa akin na may gulat sa mga mata nya

"Ayy hindi" pamimilosopo ko kaya nabatukan ako

"G*go ang sakit non ah" inis na sabi ko sa kanya pero inismiran nga naman ako

"Paanong di ko mapapansin eh palagi kang katingin sa kanya, minsan pa nga nasusulat mo pa nga pangalan nya na di mo namamalayan eh" nakangising sabi ko sa kanya natawa naman ako nang makitang namumula na sya

"H-hmm a-ano kasi...." HAHAHAHAHA see parang sira lang joke. Alam ko naman na ganyan sya eh

"Hahahaha wala kang lakas na loob para sabihin sa kanya?" natatawang tanong ko

"O-oo" sagot nito sa akin

"Sige ka ikaw rin, mauunahan ka nyan kapag di mo inamin sa kanya" pang aasar ko nang akmang babatukan nya ako ay naiwasan ko ito kaya inis syang tumingin ulit sa labas na lalo kong ikinatawa

"Ikaw nga may pag tingin ka rin kay Khian eh" natigil ako sa kakatawa nang bigla nyang binanggit ang pangalan ni Khian

"Tol, hwag mo na akong gawing t*nga matagal ko nang napapansin iyon. Simula nong unang naging mag asawa sila" seryosong dagdag pa nito kaya napabuntong hininga nalang ako

"Alam ko naman eh, wala akong laban kay Devion dahil alam natin na mas mahal ni Khian si Devion. Mahal nya ako oo pero bilang kaibigan lang" malungkot na pahiwatig ko

"Ayos lang yan pree makakahanap ka pa naman eh. At isa pa di lang si Khian ang tao sa mundo" pag aalo nito sa akin

"Akala ko tatawanan mo ako eh" may himig na pag tatampo ko kuno

"Sira ulo" parehas kaming natawa ni Zedrick. Puro kalokohan at kwentuhan lang ang ginawa namin ni Zedrick

May mga time na di kami nag kakaunawaan pero sa huli magiging ok rin kami, ganyan naman kami palagi. Kaming dalawa lang talaga ang nag sasandalan mag kapatid kapag may problema. Kaya sobra akong nag papasalamat dahil nandyan sya palagi kapag kaylangan ko nang masasandalan

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Where stories live. Discover now