Chapter 30

260 10 0
                                    

Khian's pov

Nabalik lang ako sa sarili ko ng tumalon-talon si Zander sa may kama namin

"Daddy wake up, wake up!!" gising nya sa ama habang nag tatalon pa rin sa kama

"Zander stop it" saway ko sa kanya

Umupo naman sya ng maayos at lumapit sa ama bago pinugpog ng halik sa buong muhka

Natawa naman ako sa inasal nya, talagang masaya sya dahil alam at kasama nya na ngayon ang ama nya

"Hahahaha ok, ok babangon na ako" natatawang sabi ni Devion bago bumangon at nag inat ng katawan

"Good morning daddy/dada" bati nya sa amin. Pinalapit ko sya sa akin bago hinalikan ang pisngi nya

"Good morning too baby" bati ko pabalik sa kanya

"Good morning too kiddo" bati ng ama sa kanya

"Get up na po kanina pa tayo hinahanap ni lolo sa baba" pag kasabi nya non ay mabilis syang bumaba sa kama at lumabas ng kwarto

"Zander hwag kang tumakbo!!" saway ko sa anak ko, napailing at hilot nalang ako ng sintido dahil sa kakulitan nya

"Good morning my love" napatingin naman ako kay Devion na nakalapit na sa akin

"Where's my goodmorning kiss?" nakangusong tanong nya tinawanan ko lang sya bago bineletan

"Ano ka gol-- *stup" napahinto ako ng pag sasalita, ng halikan nya ako sa labi pero saglit lang naman

"Silver po ako" nakangising sagot nya, ng akmang ibabato ko sa kanya ang unan ng umalis na agad sya sa kama at dumeretso sa may cr habang tumatawa

Napailing nlang ako sa kabaliwan nya bago naunang bumaba, bahala sya dyan hmmp

Pag baba ko ay nakita ko si lolo at si Zander sa may living room habang nag tatawanan silang dalawa

"Oh nandito ka na pala Khian" agaw pansin nya ng makita na nandito na ako sa harap nila

"Kinuwento na ng apo ko, na pinakilala mo na sya sa totoong ama nya" dagdag nya pa tumango naman ako bago umupo sa isang sofa

"Kahit anong sabihin po natin ay wala rin kwenta yon lalo na't hindi pag kakailang mag ama po sila" sagot ko sa kanya

"Tama ka, nga pala napatawad mo na ba sya?" tanong nya sa akin

"Oum, pero gusto ko pa rin naman malaman ang totoo eh" sagot ko sa kanya tumawa naman si lolo

"Hayy nako Khian ikaw talagang bata ka, simula nong umalis ka dito sa pinas maraming nag bago sa kanya. Nakipag hiwalay na sya kay Nathalie na tinanggap din naman ng dalagang yon ang pakikipag hiwalay nito sa kanya. Alam mo naman diba? Nasa huli ang pag sisisi ng tao" tumango ako sa sinabi ni lolo

"Daddy" napatingin kami sa may hagdan kung nasaan ay pababa na si Devion naka office suit na kasi sya ngayon

"Hali na kayo dahil kakain na tayo" aya nya sa amin kaya pumunta na kami sa dining room para kumain

Pinaupo ni Devion sa gitna namin si Zander na todo naman ang ngiti ng batang toh

Nang akmang kakain na kami ng dimating naman ang mga taong kinasusuklaman ko

"Good morning lolo, babe" agaw pansin ni Clarise at hinalikan ang pisngi ni lolo ng akmang hahalikan naman nya si Devion ng samaan ko sya ng tingin

"Try to kiss him di lang yon ang aabutin mo sa akin" banta ko sa kanya

Nakita ko ang galit nyang mga mata pero halata pa rin ang takot nya sa muhka

"Kumain na kayo" agaw ng atention ni lolo

Kumain naman na kami habang itong dalawang toh ay nag susubuan sa tabi ko

"So alam nya na?" basag ng katahimikan ng mag salita si mom

"Yeah" sagot ni Devion na di tumingin sa kanya

"Daddy i'm done na po" sabat naman ng anak namin

"Manang Flora kunin mo po si Zander tapos bihisan mo sya ng pang alis" pakisuyo ni Devion na ginawa naman ni Manang Flora. Nang mawala sa paningin namin ang anak ko ay bigla nalang sumabat si Clarise

"That i'm posible na si Devion ang ama ng batang yon" inis na asik nito na masama ang tingin sa akin pero isang malamig na tingin lang ang binigay ko sa kanya

"Tss hwag feelingera Clarise, nakita mo naman diba? Kamuhka ni Devion si Zander" sagot ko naman

"Baka inaakit mo lang ang fiancee ko" mataray na sabi nito sa akin, tumawa naman ako

"Talaga lang ah" pabalang na sagot ko na nakita ko naman ang pikon sa muhka nya

"Tumigil na kayo nasa hapag kayo oh" awat ni dad na ikina ismid ko naman

"Hwag mo nang pansinin yan" bulong ng katabi ko na nakalipat na pala sa upuan kanina ng anak nya

"Btw" paninimula ni Devion napatingin naman sila sa kanya

"Lo, pwede ko na po ba muling makasama si Khian kasama ng anak namin?" napasamid ako sa tanong nya kaya dali-dali nya naman akong binigyan ng tubig. Sinamaan ko sya ng tingin pero inosente nya lang akong tinignan at ngumiti ng nakakaasar na ikinairap ko. Narinig kong tumawa si lolo kaya napatingin naman kami sa kanya

"Oo naman hijo, and besides kasal pa rin naman kayo kaya ayos lang kung mag kasama na muli kayo sa iisang mansion" sagot ni lolo na nakangiti, napanganga naman ako ng wala sa oras pero bago ako mag salita ay inunahan na akong ng babaitang toh

"No lolo!!! Devion is my fiancee" inis na tutol nyang sabi

"Well sad to say hija ang mom at dad mo lang na may gustong mag pakasal kayo dahil alam nila na hiwalay na sila Devion at Khian" sagot ni lolo sa kanya, nakita kong nag tatagis ang mga panga nya. Lihim nalang akong napangiti

"And besides na di naman pinirmahan ni Devion ang devorce paper nila dahil sinunog nya iyon" natatawang dugtong ni lolo na ikinalingon ko naman dito sa katabi ko, nag kibit balikat naman ang ungas at patay malisya syang kumain ng pag kain nya

"Oo nga pala Devion" tawag ni lolo sa kanya

"Bakit po?" tanong naman nito

"Isasama mo ba ang anak nyo?" tanong ni lolo sa kanya

"Hmm opo tutal wala rin naman pong mag babantay sa kanya, may tiwala naman po ako sa mga katulong nyo dito pero sa iba wala po akong tiwalang ipabantay ang anak ko baka puro pasa na naman ang makikita ko sa katawan ng anak namin" seryosong sagot ni Devion at halatang sila mom ang tinutukoy nya dahil nakayuko na sila ngayon

"Oh sya tapusin na natin ang kinakain para makapunta na sa kanya-kanyang company" tumango naman kaming lahat bago tinapos ang kakainin namin

Pag katapos ay pumunta na ako sa taas para maligo na dahil tapos naman na ang mag ama na ngayon ay nag lalaro sa kama dito sa kwarto kung saan kami natulog

Pag katapos kong maligo at mag bihis ay agad din kaming umalis ng mansion pero nag paalam muna kami kay lolo bago tuluyan makalabas ng mansion

Continue

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu