Chapter 29

238 14 2
                                    

Khian's pov

Tulala pa rin ako ngayon dahil sa di pa rin maka get over, sa nangyari kagabi. Alam na rin ng anak ko kung sino ang totoong ama nya

Pero ang di ko pa rin makalimutan ay yong sinabi nya kagabi

Flashback

Pag pasok namin sa mansion ay pinaupo nya ako sa may sofa dito sa living room

"Manang Flora pakikuha nga ng emergancy kit natin dyan para magamot yong sugat ni Devion" pakisuyo ni lolo kay manang

Pumunta sa may kusina si manang Flora para kunin ang emergency kit namin na nakalagay don. Pag balik ay dala nya na ito at inilapag sa may mini table

"Khian, gamutin mo ang sugat ni Devion at ako'y mag papahinga na sa taas" bilin ni lolo sa akin

Tumango nalang ako bago sya umakyat sa taas para mag pahinga

Inayos ko muna ang mga gagamitin ko. Bulak, alcohol, at yong itatapal ko sa may sugat nya

"Hmm akin na kamay mo para magamot ko" sabi ko sa kanya, binigay nya naman sa akin ang kamay nya na may sugat

Tinanggal ko muna ang mga bubog na nakasama sa sugat nya bago ko nilinisan gamit ang alcohol, mamaya na ang betadain

"Ouch" daing nya

"Sorry" hinipan ko ito habang dahan-dahang dinadampian ang sugat nya

Ng matapos ay hinihipan ko muli ito bago nilagyan ng betadain at tapalan ng grasa

"Oh ayan, tapos ko na rin" tumayo na ako sa pag kakaupo sa may lapag bago inayos ang mga ginamit ko

"Sa susunod hwag mo nang suntukin ang salamin ng sasakyan para di ka mag kabubog at masugatan" bilin ko sa kanya

"Nag aalala ka ba sa akin?" napahinto ako sa sinabi nya

"Bat naman ako mag aalala? Diba nga fiancee mo na ang kapatid ko" sagot ko at natawa lang ng pilit

"Don't deny me Khian" seryosong sabi nya

Humarap ako sa kanya na seryoso rin ang tingin sa kanya

"Di mo naman kaylangan gawin yan eh, masasaktan ka lang sa ginagawa mo" sabi ko

"Ok na, na ako ang masaktan hwag lang ikaw" napaiwas nalang ako ng tingin sa kanya ng sabihin nya iyon. Deretso ang tingin nya sa akin ngayon

"Hmm mag pahinga ka na" sabi ko ng akmang mag lalakad na ako ng bigla nyang hinila ang kamay ko papalapit sa kanya kaya ngayon nakayakap na sya sa bewang ko

"Devion ano bang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya, ewan ko ba mahinahon ako mag salita ngayon di ko maramdaman ang galit sa puso ko

"Plss" yan lang ang sinagot nya sa akin

"Anong plss--- Plss come back to me" natutop ko ang bibig ko ng marinig ang sinabi nya

Come back to me? Ano bang nangyayari sa taong ito?

"Ano bang sinasabi mo dyan?" tanong ko at tumawa muli ng pilit

"Plss baby, bumalik ka na sa akin" sagot nya muli

"Devion may fiancee ka na" mahinang bigkas ko

"But i don't loving her" sagot nya sa akin

Ngumiti ako ng pilit bago tinanggal ang kamay nya na nakapalupot sa bewang ko kaso sobrang lakas nya

"Devion pakawalan mo na ako" mahinahong utos ko

Umiling-iling sya na parang bata at mas lalong siniksik ang muhka nya sa may tyan ko

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Where stories live. Discover now