Chapter 34

201 9 0
                                    

Khian's pov

Nandito kami ngayon sa cafeteria ng company ni Devion kasama sila Vincent, Nathalie at Xander

Sila Vincent at Xander nag lalaro habang si Nathalie eto nakikipag kwentuhan pa sa akin

"Naiinis kamo ako dyan sa babaeng yan, masyadong desperada ang impakta" inis na asik nito

"Alam mo? Simula nong nag hiwalay kami nyan ni Devion at simula nong inanunsyo ng mom mo na sila Devion at Clarise ay mag papakasal na palagi nang nakabuntot kay Devion" dagdag nya pa

"Diba tago yong kasal nyo?" tanong nya sa akin

"Hindi ko alam" sagot ko sa kanya

"Ayaw ko dyan sa magaling na ampon nyo sarap kaladkarin tss" asik nito napailing nalang ako at natawa ng mahina sa inasta nya

Akala ko kahit na ex sya ni Devion iba ang trato nya sa akin pero akala ko lang pala na ganon sya katulad ng mga babaeng iniwanan ng bf

Mabait naman talaga si Nathalie noon pa man sadyang mahal na mahal nila ang isa't isa noon

"Daddy" napatingin ako sa likod ko ng tumakbo si Xander papunta kay Devion

Sinalubong naman sya ng daddy nya at binuhat ito bago pumunta sa gawi nila

"Halika na baka nag hihintay na kuya mo" aya nya sa akin

"Oh sya kita nalang ulit tayo Khian" sambit ni Nathalie

Nag paalam na kami sa kanya at lumabas na kami ng company. Nandoon na nakaparada sa harap ang sasakyan ni Devion kaya pumasok na agad kami sa kotse

Fast forward

Pag baba namin ay mabilis kaming nag lakad papasok malamang sa malamang kanina pa nag hihintay si kuya

"Tito Kelvin" sigaw ni Xander na nag agaw pansin sa mga tao at kay kuya

Bumaba si Xander sa pag kakabuhat ng ama bago tumakbo papunta kay kuya

"Nako ang pamangkin ko hwag kang tumakbo baby Xan" saway ni kuya kay Xander

Xan ang tawag nya kay Xander mapag mahal na tito yan sa pamangkin nya

"Nahuli ba kami?" tanong ni Devion

"Kanina pa" inis na sagot ni kuya na ikinatawa namin

"Hali na muna kayo, mag launch muna tayo" aya ni kuya kaya sumunod na kami

Pumunta kami sa isang sikat na resturant dito malapit sa airport

Nag order na rin sila ni kuya at maya-maya ay dumating na rin ang order namin. Kumain na kami ng tahimik nang mag salita si kuya

"Bakit nga pala kayo na late?" tanong ni kuya sa amin

"Hinarangan kami ni Clarise kanina" sagot ni Devion

"Ang alam ko Fiancee mo sya?" takang tanong nito

"Oo pero di ko na itutuloy yon at isa pa magulang nyo ang may gusto non di ako" sagot ni Devion at kumagat muli ng steak

"Tss ayaw ko sa babaeng yon masyadong maarte sa buhay" inis na asik ni kuya

"Di ba nya ikaw sinasaktan, Khian?" tanong ni kuya sa akin umiling naman ako

"Muntik na nga nya mapatay si Clarise nong nalaman nyang sinasaktan ng mom mo at ni Clarise si Xander" sagot ni Devion

Napatingin kami sa kanya ng bigla nyang kalabugin ang lamesa halata ang galit sa mga mata nito kahit mga ngipin nya nag tatagis na sa galit

"Kuya kumalma ka muna, di na rin naman makakalapit sila Clarise sa anak namin eh" pag papakalma ko sa kanya

Mahirap na baka mamaya sumabog na toh sa galit. Kilala ko si kuya kapag ako o anak ko ang napapahamak magagalit yan at parang gustong punapatay ng tao

"Pasalamat sila, wala sila dito sa harap ko kung di pinahiya ko na sila" inis na sabi nito at bumalik na sa kinakain nya

Pag katapos naming kumain ay napagpasyahan ni kuya na sa dorm muna ng hotel sya pag samantala sinama nya na rin si Xander gusto nya kasi itong makabonding

Pag balik namin ay bumungad sila Zendrick sa amin kasama sila Mike

"Khian!!" akmang yayakapin ako ni Eric ng harangan at samaan sya ng tingin ni Devion kaya di nya na natuloy ang balak nya

"Kamuzta ka na Khian? Matagal din tayo di nag kita?" tanong ni Zedrick ang kakambal ni Zendrick

"Ok lang naman, kahit papano masaya na rin sa buhay" sagot ko sa kanya

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Devion sa kanila

"Kinakamuzta si Khian pero may dahilan pa rin kami kaya kami nandito" sagot ni Liam

"Punta ka muna sa kwarto mag pahinga ka na muna" bulong sa akin ni Devion kaya tumango nalang ako at pumunta sa kwarto dito sa office ni Devion

Nahiga na muna ako dahil para akong napagod hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Devion's pov

Naka upo ang mga mokong sa may sofa habang nakatingin sa akin ng deretso halata rin ang pag seryoso nilang lahat

"Ano ba talagang kaylangan nyo?" tanong ko sa kanila

"Si Khian pala ang tigapag mana ng mga Salvador Family" panimula ni Mike

"Alam ko na iyon at matagal ko nang nalaman yon galing sa lolo nya" saad ko

"Sabagay may koneksyon pa naman kayo sa pamilya nya pero ang alam ko sya ngayon ang tatargitin ng mga kaaway nila" sabat ni Zen

"Kaya nga pinapabantay ko sa inyo si Khian para di mangyari yon" sabi ko

"Sa ngayon Eric at Liam bantayin nyo si Clarise" utos ko sa mga toh na nakakunot na ngayon ang noo nila

"Bakit naman?" tanong ni Liam

"Alam kong babalikan nya si Khian at pwede ring humanap ng away si Clarise kaya dapat mabantayan nyo sya ng maayos" sagot ko sa kanya

Tumango naman silang dalawa. Mahaba pa ang pinag usapan namin hanggang sa napag masyahan na rin nilang umalis dahil may gagawin daw sila ngayon

Pumasok ako sa isang silid kung saan may kwarto dito sa office ko. Nakita ko si Khian na mahimbing na natutulog napangiti naman ako dahil ang cute nyang matulog

Lunapit ako sa tabi nya at umupo sa paanan ng kamang hinihigaan nya. Punag masdan ko ang maamong muhka nya at hinimas ng mahina ang malambot at makinis nyang muhka

Napatingin ako sa mapupula nyang labi ang sarap halikan at di nakakasawang halik-halikan ang labi nya mapula ito ng kaunti pero malambot at mainit

Hindi ko namalayan na palapit na pala ang muhka ko sa kanya at don ko lang din namalayan na nakadikit na ang labi ko sa kanya

Ramdam ko ang bahagyang pag galaw nya pero di ako umalis o inilayo ang muhka ko sa kanya. Mag kadikit pa rin ang mga labi namin sa isa't isa hanggang sa tuluyan na nga syang nagising at nanglaki ang mata ng makita nya ako at ang pag dampi ng labi ko sa kanya labi

Continue

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Where stories live. Discover now