Chapter 24

243 10 0
                                    

Henzo's pov

Nandito kami sa bahay ng Girlfriend ni Kenneth kasama si baby Zander na ngayon nasa may sofa nag babasa habang nakikinig ng music

"Hey guys!!" bungad ni Khian at nakita ko ang secretary nya na parang nasusuka

"Dada" tumakbo si Zander sa dada nya at sinalubong si Khian na syang pag buhat din naman ni Khian sa kanya

"Anong nangyari po sayo tita Sarah?" tnong ni Zander kay Sarah

"Jusko ang bilis mag maneho ng dada mo, muhka kasi na may sumusunod sa amin kanina kaya ayon" nakasimangot na sagot ni Sarah. Tumawa lang si Khian na mas lalong ikinanguso naman nya

"Hayy nako kumain na nga muna tayo mamaya na ulit ang kwentuhan" pumunta kami sa sala at doon na rin nag meryenda, puro kwentuhan lang naman ang ginawa namin hanggang sa binanggit bigla ni Khian ang tungkol sa modeling

"Nakahanap na ba kayo ng mag momodel ng product?" tanong nya

"Anong imomodel naman?" tanong ni Jane

"Ahh ano kasi babe..... Hmm may bagong damit, gown, dress, sandals, hill and ect na ilalabas. At kaylangan namin na may mag model ng mga yon" sagot ni Kenneth sa amin

"Owss yon lang naman pala eh, pwede ako dyan tutal wala nman masyadong ginagawa at kakausapin ko nalang ang maneger ko tungkol dito sa project ng pag momodel" nakangiting sabi ni Jane

"Mabuti kung ganon. Ikaw na rin siguro mag sabi sa mga ka model mo para dito" saad ni Khian, tumango naman si Jane

"We need to go guys. May mga naiwan pa akong trabaho na kaylangang tapusin eh" dagdag nya pa bago tumayo at binuhat si Zander

"Bakit di ka nalang mag hanap ng magiging nanny ni Zander kaysa pa mag pakahirap ka pang mag alaga sa kanya habang nasa company ka?" tanong ko sa kanya, tinignan nya naman ako ng masama kaya napalunok ako ng wala sa oras

"I told you Henzo!!! Mas gugustuhin ko pa na ako mag alaga sa kanya kaysa pa mangyari na naman ang bagay na yon" inis na sagot nya sa akin

"Hayss pinapayunan--- Stop!!!" putol nya kaya di na ako nag salita pa

"We need to go" yon nalang ang sinabi nya bago sya tuluyan umalis

"Nga pala sino ba ang daddy ni Zander?" tanong nya sa amin pero di kami umimik

"Hayysss fine di ko na kayo kukulitin pero parang may kamuhka si Zander" napaismid kami ng sabihin nya yon at nag katinginan kaming dalawa ni Kenneth na parang parehas kung sino ang taong naiisip namin

"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Kenneth

"I don't know, pero... Ewan nakalimutan ko na" nakangusong sagot nya

Napailing nalang kaming dalawa at napahinga ng maayos

Khian's pov

Tatlong araw na simula nong nangyari ang eksenang yon at tatlong araw rin na may sumusunod sa amin ng anak ko

Sa ngayon nandito ako sa mansion ni lolo kasama ang magaling kong magulang at ang kapatid kong ampon tss

"So how's your work apo di ba mahirap?" tanong ni lolo, nandito kasi kami sa dinning area kumakain

"Ok lang naman po lolo, medyo nakakapagod pero sulit naman kasi may nag papa gaan ng loob at problema ko" nakangiting sagot ko sa kanya

"Oo nga at ang kyut kong apo sa tuhod" nakatingin sya kay Zander na tahimik lang na kumakain

"Dada, i'm full" binaba ko na sya sa upuan at tumakbo sa sala malamang mag babasa na naman ito hayss

"Malaki na ang anak mo Khian, hanggang kaylangan mo naman itatago sa ama nya yan?" tanong ni lolo sa kanya. Ibinaba ko ang kutsara at tinidor na hawak ko

"Lolo kung sya ang pag uusapan natin hwag nyo nalang po akong kulitin ukol dyan" sagot ko sa kanya

"Gusto lang naman kita payuhan apo, lalo na't alam naman natin na nag hahanap ng nag mamahal at suporta ng ama ang anak mo" napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni lolo

"Nga po pala may sumusunod sa amin nitong tatlong araw na rin siguro" pag iiba ko ng topic

"Hmm hindi mo ba tinignan kung sino ang sumusunod?" tanong nya sa akin

"Lo, kasama ko ang anak ko palagi kaya di ko nalang pinapansin" sagot ko sa kanya

"Hayy nako, nga pala hwag na muna ikaw pumasok. Mag gala-gala naman kayo minsan ng anak mo para naman di rin maboring ang anak mo" bilin ni lolo

"Yeah, after eating" sagot ko nalang at di na muli nag salita pa

Fast forward

Nag paalam rin agad kami ni Zander sa kanila at ito na kami nasa mall hayyss

"Dada" tawag nya sa akin

"Yes, baby?" tanong ko sa kanya

"Can i eat ice cream?" tanong nya sa akin

"Sure" binuhat ko sya at dinala sa ice cream parlor

"Sit here, bibili lang ako sa counter" bilin ko sa kanya tumango naman sya

Zendrick's pov

Hanggang ngayon sumusunod pa rin kami kila Khian, hayss parang stalker lang tss

"Nako nakakagutom naman" binatukan namin si Eric sa sinabi nya

"Mamaya ka nalang kumain, pwede? Mas mahalaga pa ito kaysa sa tyan mo" saway ni Liam

"Basta hwag nyo nalang alisin ang tingin nyo sa kanya" sigunda ni Mike

"Pocha ang cute ng anak nila" tinakpan namin ang bibig ni Eric dahil ang lakas ng boses nya

"P*ta ka bibig mo" sabay naming saway, nag piace sigh pa sya sa amin tss

"Guys aalis na sila" nag simula na muli kaming sundan sila Khian na ngayon ay nag lalakad na muli

Khian's pov

May nararamdaman na naman ako na may sumusunod sa amin tss

Ngayon nandito kami sa toys store bibili ng bagong toys ang anak ko hayy nako

Ngayon ay marami na rin kaming nabilis pati sa book store bumili sya ng bagong babasahin nya

Sa ngayon ay nag lilibot-libot kami medyo marami ring tao ngayon kaya todo kapit talaga sya sa akin

Ng may naramdaman akong parang may lalabas na kaya nag paalam muna ako sa anak ko na pupunta lang ako sa cr para umihi

"Stay here baby, and don't talk to stranger, ok?" bilin ko sa kanya at tumango naman sya

Iniwan ko sya don saglit at pag katapos kong umihi at nag hugas ng kamay ay lumabas na ako pero nagulanta ako ng makita na wala ang anak ko

"Zander nasaan ka?" tawag ko sa kanya kaso wala akong naririnig na boses nya

Binundol na ako ng kaba kaya nag simula na ako mag alala pa. Hinanap ko sya habang tinatawag ang pangalan nya

May narinig akong nag sasalita o may kausap na tao familliar sa akin ang boses ng lalaki

"What's wrong kiddo? Are you lost?" tanong nya pero ganon nalang ang panglalamig at gulat ko ng marinig ang boses ng isang bata

"I'm lost to my dada" sagot ng anak ko

'No!!! Not now plss!!!'

Continue

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*حيث تعيش القصص. اكتشف الآن