Chapter 49 Part 1

170 6 0
                                    


Third person's pov

May dalawang van na huninto sa mansion nila Khian.

"Wala daw dyan si Devion, ang mga bodyguard lang daw ni Devion ang nag babantay sa mag-ina nya" Saad ng isa sa mga tauhan ni Clara

"Mag-ina? G*go pre nakakalaswa naman" mang iinsulto naman ng isa bago tumawa ng malakas

"Hali na kayo baka magalit pa si ma'am Clarisse" sambit ng isang kasama nila

Mabilis na silang lumabas sa sasakyan at mabilis na sumugod sa loob ng mansion nila Devion.

Habang sa kabilang linya naman ay walang kaalam-alam na may mga tao na nakalapasok sa loob ng mansion, hanggang sa may isang taong pumasok sa loob. Ang tauhan nila Devion

"Sir Mike may nakapasok sa loob" napalingon sila Zendrick sa sinabi ng tauhan nila

"Sino sila? Bakit nyo hinayaan na may makapasok sa loob!!!" Galit na tanong nila Eric sa kanila. Ng may biglang pumasok sa isipan agad si Liam

"Sila Khian at Xander nasa kwarto" nataranta na agad sila sa sinabi ni Liam

"Sabihin mo ang ibang mga kasama mo na maghanda para sa laban" utos ni Mike

"Opo----Acck!!" Napalingon sila sa may pinto ng may bigla nalang napadaing ang isang kasamahan nila

"Sino kayo?" Malamig na tanong ni Zendrick sa ka nila

"Wala na kayong pake-alam kung sino kami!!! Ibigay mo nalang sa amin si Khian Salvador!!" Sagot ng isa sa mga taong pumasok sa mansion

"Hindi namin ibibigay si Khian!!! Sino ba ang tar*ntadong nag utos sa inyo na kunin si Khian!!" Galit na tanong ni Liam

*BOSHH

Napatingin silang lahat sa may taas bago nag katinginan sa isa't isa

"Sila Khian!!!" Sabay na sabi ng apat bago dali-daling umakyat sa taas pero nagulat nalang sila na bitbit na pala ng dalawang namamasok sa loob ng mansion nila Devion. Nag labas ng baril si Zendrick bago tinutok sa dalawang may buhat kay Khian at Xander

"Ibaba mo sila" babalang utos ni Zendrick

"Baka gusto mong mawalan ng bungo ang dalawang ito" matabang na sabi ng isa

"Mga g*go kayo!! Ibaba mo silang dalawang" galit na utos ni Mike sa dalawa pero nag matigas pa rin ang dalawa

Bigla nalang nilang sinipa si Eric na nakaharang sa may hagdan bago dali-daling bumaba. Nag simula nang mag suntukan at palitan ng putok nang baril.

Kahit anong gawin nila Zendrick di pa rin nila nakuha sila Khian sa mga kamay na dumakip sa kanila.

"F*ck!!! Yari tayo kay Devion nito" nanggagalaiting usal ni Liam at pinag susuntok ang sofa na kinauupuan nya

Medyo napuruhan silang apat pero wala naman natamaan ng bala maliban sa mga tauhan nila na ang iba ay wala nang buhay at ang iba naman ay sugatan at bugbog sarado

"Boss may nahuli kami. Muntik na syang makatakas" biglang sulpot ng isang bantay sa mansion

Pabalang na binitiwan nila ang lalaki at masamang tinignan nila Zendrick ang lalaking nakayuko ngayon. Di napigilan ni Zendrick ang sarili nya at bigla nalang kinuwelyuhan ang lalaking nasa harap nya

"Sino nag utos sa inyo na dakpin sila Khian!!" Galit na tanong ni Zendrick sa kanya. Halata ang takot sa muhka nito kaya mas lalong napangisi si Zendrick

"If you not answering, mas lalo kang matatakot kapag si Devion mismo ang nag tanong sayo. Oh we'll his a heartless guy and he like killing someone who touched her wife" pananakot nito sa lalaki ka mas lalong namutla ang lalaki

My Cold Husband-Devion Arilla (BS# 1)*Complete*Where stories live. Discover now