Chapter 9

27 10 0
                                    

Cassandra POV

Nanginginig kong minulat ang mata ko, napahawak ako sa dibdib ko sa lakas ng kabog nito. Bwisit na blake ito! Ano tingin niya sakin? Hindi marunong matakot? Takot nga akong sumakay sa rides tapos kung makapag-drive dinaig ko pang pumunta ng Enchanted Kingdom.

"Hay! Sa wakas!" Mabilis akong bumaba ng kotse nang ihinto niya ito.

Napakunot ang noo ko, nasan kami? Nasa malacañang palace ba kami? Ano ginagawa namin dito? Bakit kami nandito? Kanino naman ito?

Narinig ko ang pagsara ng sasakyan kaya napalingon ako kay blake, mapungay na ang mata niya. Pagewang gewang na rin siya. Hala ka!

"Huy tukmol!"

Mabilis akong tumakbo sa kaniya ng makitang tutumba ito. Buti at meron siyang lakas kanina para mag-drive. Ginawa nga lang roller coaster yung daanan at sasakyan niya.

"Hoy wag ka matutulog!"

"Fuck! Stop shouting at my face!" Sigaw rin niya na kahit pipikit pikit na ang mga mata.

Ngumiwi ako at inalalayan na siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, dumiretso kami malapit sa pintuan ng malaking palasyo na ito. Wooh! Ang ganda! Kaninong bahay ito? Bahay ba 'to? Palasyo na ito eh! Sa kanila ba ito?

Naramdaman ko ang unti unting pagbigat niya, hala! hala!

"Hoy blake!" Sinikap kong silipin siya. Ang tukmol nakapikit na, ang bigat niya!

Peste ka po! Hindi man lang sinabi kung bakit kami nandito, bigla nalang akong tutulugan. Paano—

"Young master!"

Napalingon ako sa isang matandang lalaki, dali dali siyang lumapit sa amin. Young master? Itong tukmol na ito? Pinigilan kong matawa lalo na nang lumapit na ito sa amin.

"What happened?" Pag-eenglish niya. Ang sosyal niya tignan, naka-bussiness attire pa.

"Ah eh, lasing po si young master—este si blake po." Inaayos ko naman ang pag-alalay sa kaniya nang mangalay ang isang balikat ko. Bigat beh!

Pumunta yung matanda sa gilid ni blake at inalalayan din ito. Sunod sunod lang ako sa kaniya, pagkapasok ay napanganga ako. Ang laki ng chandelier! Malaking hagdan sa magkabilang gilid at maraming kwarto at daanan sa taas. Woah!

Napatitig pa ako sa malaking frame na nasa gitna habang umaakyat ng hagdan. Isang malaking picture frame, family picture. Si Blake nung medyo bata pa siya at ang parents niya, ang sosyal sosyal nila tignan. Mukha silang royal family. Lalo na yung mommy ni blake, mukha siyang reyna.

Noong nagkita kasi kami ng Mommy ni blake sa hospital ay kakikitaan talaga ng kutis sa katawan, pero hindi gaanong bongga ang suot niya noon. Siguro dahil sa sobrang kamamadali niya dahil nasa hospital ang anak niya.

Bahay pala nila blake 'to? Ang laki laki, mukha talaga siyang palasyo.

Nang makarating sa taas ay lumiko kami ng lumiko. Daming daanan, ang dami 'ring mamahaling vase tsaka painting. Nakakahiyang hawakan, parang isang himas mo lang isasampal na sayo yung milyong halaga 'non.

May mga nakita akong maid sa hallway na dinadaanan namin. Yumuko sila bago namin sila lampasan, feeling ko tuloy nasa kdrama ako. Si blake yung mayamang lalaking makakatuluyan ko. Joke, malabong mangyari iyon.

"Paki-bantayan ho muna si Kevron.." sabi ulit ng matanda nang makapasok kami sa isang kwarto, inilibot ko ang paningin ko. Kwarto niya ba to? Ang laki naman. Mas malaki pa sa bahay nila Auntie. ".. Ako nga pala si George, Butler ni Kevron." Pagpapakilala niya.

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now