Chapter 7

52 11 0
                                    

Cassandra POV

"Ano ba, Aubrey?! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko pagkabitaw niya sa buhok ko. Paano ba naman kasi, bigla bigla nalang susugod dito. Nagulat nalang ako may tukmol ng humila sa buhok ko. Ang sakit pa naman niyang humila!

Inayos ko ang buhok ko at hiniling na sana walang nag-lagas na buhok ko dahil kung hindi ay kakalbuhin ko siya habang tulog siya!

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw rin nya habang nanggi-gigil pa. Ano bang problema ng babaeng 'to? Ang laki laki ng galit sa'kin!

"Sinabi ko bang problemahin mo 'ko?" Tanong ko sa kaniya. Eh ba't niya ba kasi ako pinoproblema? Ano trip lang niya, ganon?

"Wag mo 'kong sagutin ng ganyan!" Galit niyang sigaw sa akin. Nahihiya na ako dahil kanina pa ako nakaka-agaw ng eksena simula nang sigawan ko si Blake dito.

Mukhang malas talaga ang huling taon ko dito sa school dahil mukhang matatandaan ako ng mga estudyanteng achiever pero warfreak naman. At baka pagdudahan pa nila ang mga matataas kong grado!

Anong gusto niyang isagot ko? Kailan niya ba ako narinig na sumunod at sumagot sa kaniya ng maayos? Kung ano ang itinatrato niya sa akin ay binabalik ko sa kaniya. Iyon ang natutunan ko sa bahay nila ni Auntie.

"Hindi ba sinabi ko ng layuan mo na si Blake?! Pero hindi ka marunong makinig!" Aniya na dinuduro-duro ang mukha ko, kung wala lang nakatingin sa amin paniguradong may round two!

Paano ko lalayuan ang tao? I mean, tukmol? Oo nga pala. Hindi niya pala alam na ibinilin sa akin si Blake. Kahit mga kaklase ko walang nakaka-alam, basta nagulat nalang sila lahat na lumipat na yung tukmol sa section namin. Hindi nila alam kung bakit.

"Nasa iisang school at section kami! Paano ko lalayuan?" Di ba? Paano ko lalayuan yung tukmol na 'yon? Kung pwede ko nga lang sabihin sa kaniya na may usapan kami ni Mrs. Sanchez eh, kaso baka lalo lang syang mang-galaiti dyan.

"Magtutuos tayo sa bahay!" Kitang kita ko na ang mga ugat sa leeg niya bago ako walk-outan. Eh? Para naman may magagawa siya? Hindi ko na pwedeng bawiin yung pinagusapan namin ni Mrs Sanchez 'no. Nakakahiya kaya sa tao, pumayag payag ako tapos babawiin ko rin pala? Tsaka nakasalalay dyan ang scholarship ko.

"Oh ano? Tapos na ang palabas! Ano pang tini-tingin tingin niyo?" Tanong ko sa mga estudyanteng nakikiusyoso at nagbubulungan pa sa mga katabi.

"Tara na nga."

"Wala na."

"Yun lang yon."

Rinig ko kung saan saan. Anong gusto nila magpatayan kami ni Aubrey sa harap nila? Psh. Mabilis ko namang kinuha ang bag ko tsaka ako tumakbo palabas ng canteen. Ayoko sa lahat yung pinagtitinginan ako na parang kasalanan ko lahat.

Teka?

San ba pumunta yung tukmol na yon? San ko siya pupuntahan? Basta lang lumabas ng canteen ng walang pasabi kung saan pupunta. Tsk! Pasaway talaga! Hindi talaga pwedeng maiwan dahil konting lingat lang hindi mo na siya makikita!

Dumiretso naman ako sa classroom at nagba-bakasakaling nauna na siyang pumasok. Kaso pagdating ko walang tao sa loob dahil na rin sa may 10 minutes pa para sa breaktime. Malamang, Nasa canteen silang lahat.

Eh saan naman pumunta si Blake? Baka nasa rooftop? Tumatambay ba yon doon? Pagkalabas ko ng classroom ay agad akong tumakbo paakyat sa rooftop. Kaso hangin lang din ang sumalubong sa akin pagdating. Tumingin naman ako sa baba at kitang kita ko ang mga estudyante na mga naglalakad, Kahit pa parang langgam silang tignan dito sa taas.

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now