Chapter 4

48 16 1
                                    

Cassandra POV

Agad na lumingon yung boss nila ng isinigaw iyon ng kasama niya. Boss nila yan? Mukha ngang adik. Tapos ang payat pa? Samantalang yung mga tauhan niya ang laki ng katawan. Psh! Nagpapa uto naman sila sa boss bossan nila?

Kahit nanginginig ang kamay kong nakahawak sa baril na laruan lang naman ay itinutok ko pa rin dun sa boss nila. Sana lang talaga hindi niya mapansin na laruan lang ito. Baka dalawa kami ni Blake ang nakahandusay dyaan sa lupa kung mangyari iyon.

"Sino ka ba?!" Sigaw nung boss nila sa akin kahit na nakatapak pa rin ang isa niyang paa sa dibdib ni Blake. Halos mapangiwi ako sa nakikita.

"Ako? S-Sino ako?" Pagmamatapang ko kahit na grabe na ang kabog sa dibdib. Holy sheesh! Pwede bang mag inhale exhale muna ako saglit? Para akong mahihimatay sa kaba!

"Tanga ka ba?! Ikaw lang naman ang kausap ko!" Sigaw na naman nito sa akin. Mas tanga ka hindi mo makita na laruan lang ito! Sigaw ko sa isip dahil baka ibalik niya sa akin na mas tanga ako para isigaw iyon ng malakas.

"Sino ako? Ako lang naman ang tatapos ng buhay mo!" Oh pak. Feeling ko tuloy nasa isang pelikula ako at ako ang bida na nagliligtas. Tinaas ko pa ng bahagya ang noo ko para ipakita ang masama kong tingin.

Narinig ko ang kaniya kaniya nilang tawa. Sabi ko na ba at tatawanan lang nila ako! Kahit ako tatawanan ko lang din ang sarili ko dahil mas alam ko ang ginagawa ko. Naku! Kung makikita lang ni Kuya Lawrence na nagfe-feeling super hero ako tiyak na kagagalitan ako nito! Baka hindi pa ako palabasin ng kwarto.

"Pwede ba?! Hindi ito playground! At tsaka alam ko ba kung paano gumamit ng baril? Babae ka lang!" Sabi niya sabay tawa ng malakas na may paghawak pa sa tyan. Pumanget sya lalo, kita ko na yung dilaw na dilaw niyang mga ngipin. Yuck! Hindi ba uso toothbrush sa kanila?

"Oo! B-Babae lang ako! Bakit? Lalaki lang ba ang pwedeng bumaril!" Inis kong sigaw sa kaniya. Bakit ba ako ang naiinis dito? Ano naman kung babae lang ako? Kaya ko rin manapak at mangbugbog ng tao pero hindi ko yun gagawin dahil di ako tulad nila!

"Hawakan niyo sya!" Nataranta ako bigla ng sigawan niya ang mga tauhan niya.

Agad naman akong naalerto at itinutok sa mga kasama niya ang hawak kong baril na laruan. Mother of earth! Help me!

"Sige! Subukan niyong lumapit! Hindi ako magdadalawang isip na iputok 'to sa inyo!" Sigaw ko habang itinututok ang hawak kong baril sa kanila. Sila naman ay hindi alam kung ano ang gagawin.

"Mga duwag ba kayo?! Babae lang yan!" Naiinis nang sigaw nung boss nila sa kanila.

"Pero may hawak po syang baril!" Angal nung isang tauhan niya na kulay pula yung buhok. Oo may hawak nga ako pero duh! Laruan lang ito! Hindi ba dapat mas alam nila iyon? Hindi pa ba sila nakakakita ng totoong baril?

"Eh ano ngayon?! Edi hawakan niyo agad! Mga wala talaga kayong silbi!" Sigaw nung boss nila at siya na ang naglakad palapit sakin. Hala! Hala! Subukan mong lumapit!

Napaatras naman ako at agad ikinasa ang laruan na baril kahit pa hirap na hirap ako. Ngayon lang kaya ako nakahawak ng ganito! Itinutok ko naman sa kaniya kahit pa kitang kita ang panginginig ng mga kamay ko. Nanginginig at natatakot ako sa totoo lang! Idagdag pang nakakatakot ang itsura ng shokoy na ito!

"Ha! Kaya mo bang iputok yan?! Tignan mo nga ang kamay mo! Hindi ka pa nakakaputok nanginginig na!" Pang aasar niya na may malaking ngisi. Halos mamula ako sa sobrang inis ngunit hindi naman ako makaalis sa kinatatayuan.

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now