Chapter 17

17 9 0
                                    

Cassandra POV

"San ang punta?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Kuya na nakaabang sa may pinto.

Ang sungit sungit ng mukha.

"Magsisimba po, Kuya." Chineck ko kung may nakalimutan akong dalhin, nandito na rin naman ang wallet ko kaya mukhang okay na.

"Are you sure?" Nagtaka naman ako sa paniniguro niya.

"Bakit kuya? Linggo naman ngayon ah? Tsaka hindi na ako nakakasimba 'eh. Ikaw kuya? Hindi ka sasama?" Nakaayos naman na rin siya.

Kaya lang nagtataka ako bakit ganiyan ang suot niya, ngayon ko lang sya nakita ganiyan ang suot. Tapos ang ayos ayos na niya rin sa sarili, lalo na sa buhok. Aha! Siguro may nililigawan na si Kuya 'no?

Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sakin ng seryoso. Nakahalukipkip pa, nakakapagtaka talaga siya.

"Maybe next time, I have something to do. I'll fetch you before 7 in the evening, Take care.." Natulala ako. May nagbago kay kuya. ".. Ada." May ibinulong pa siya na hindi ko na narinig bago umalis sa pintuan.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inasta ni kuya, Baka naman kasi luma-love life na ang kuya niyo? Next time nga maitanong ko sa kaniya yun! Para naman maipakilala niya. Aba, dapat maganda rin yun tulad ko. Hehe.

Hindi na ako nagpaalam kay Auntie na busy sa pagtitinda. Kapag nakita kasi ako no'n panigurado hindi ako no'n papaalisin. Tsaka alam naman na ni Kuya kung saan ako pupunta, susunduin pa nga daw niya ko mamaya eh.

Mag-aalas singko na ng lumabas ako ng bahay. Panigurado na nagsisimula na ang Misa. Hala! Gusto ko makinig sa mga kwento ng pari!

Nasa gate pa lang ako ng may matanaw akong pamilyar na sasakyan. Agad akong nagtago muna, nakita ko si Kuya habang may kausap. Base sa tindig at postura nito ay kilalang kilala ko kung sino ang kausap ni Kuya, hindi ako pwedeng magkamali. Pero..

"Ano ginagawa niya dito?" Bulong ko sa kawalan.

Magkatitigan lang sila ni Kuya, limang segundo ang binilang bago umalis si Kuya sa harap niya at dire-diretsong naglakad papasok ng sasakyan niya. Nakunot ang noo ko sa pagiging seryoso niya, sumandal si Blake sa sasakyan niya at hindi na pinansin ang pagharurot ni Kuya ng kotse niya.

Maya maya lang ay lumabas na ako at naglakad papunta sa kaniya. Nakaayos din ito, kapansin pansin rin ang expression nitong naiinip.

Ano ba kasi ginagawa niya dito?

"Bakit ka nandito?" Tanong ko pagkarating sa kaniya.

Parang nagulat pa siya ng bahagya bago inayos ang sarili. Napaiwas pa ako ng tingin nang pasadahan niya ng tingin ang kabuohan ko. Bakit ako naiilang sa titig niya?

"Get in."

"Huh?"

Hindi niya inintindi ang sinabi ko at naglakad lang ito paikot sa kotse at tsaka sumakay. Naiwan naman akong nakatanga at hindi alam ang gagawin. Pinagti-tripan ba ako nito?

"Ano dyan kana lang?" Nakadungaw sya at magkasalubong ang kilay na nakatingin sa akin.

Nabigla pa ako sa inasta nito, kung di lang ako sanay sa ugali niya baka nasapak ko na yan kanina pa.

"At san ba tayo pupunta? Tsaka hindi mo sinasagot tanong ko. Ano ginagawa mo dito?" Humalukipkip pa ako kaya mas lalong nagkasalubong ang kilay niya.

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now