Chapter 16

24 9 1
                                    

Sisimulan ko na ba ang mga twist? Hahahahaha.

***

Cassandra POV

Simula nang maidala at makauwi ako ng maayos sa hospital ay nasa bahay lang ako. Tatlong araw akong ipinagpahinga ni kuya, hindi ko alam kung bakit pumayag ang mga teachers ko, scholar ako remember? Pero baka si Mrs. Sanchez na rin ang kumausap sa kanila.

Nababagot na ako dito sa bahay actually, magaan gaan na rin ang pakiramdam ko. Tatlong araw ba naman ang lumipas eh.

"Sandra! Ikaw muna magbantay dito! Tumulong ka naman!" Kaya nga lang hindi ko masasabi kung pahinga ba talaga 'to. Ayan na naman kasi si Auntie.

Utos dito, utos doon. Tapos sasabihan akong tumulong na naman ako? Kanina pa kaya ako kumikilos dito, hindi naman siya bulag para hindi makita eh.

Inayos ko ang sarili ko at bumaba na sa karindirya niya. "Sige po, auntie." Sagot ko.

"Oh ano? Buti naman at nagiging maayos na ang lagay mo? Yan ang napapala ng mga matitigas ang ulo! Ano uulit ka pa?" Nakapameywang siya habang sinesermonan na naman ako.

Mana talaga si kuya sa kaniya.

Umiling naman ako ng pilit. Wooh! "Hindi na po, hehe." Nagulat pa ako ng duru-duruin niya ang noo ko.

"So, pwede na kitang sumbatan ano? Hindi nagtatrabaho ang pinsan mo para lang may ma-ipagamot sa kapabayaan mo ha!"

Tahimik lang ako habang siya ay patuloy na nagsasalita. Totoo rin naman kasi, nag-iipon si kuya para maipagawa na niya ng maayos ang bahay. Tapos ako eto, kailangan niya pang gastusan para lang maging maayos ang lagay ko.

Hayyy.

Bakit ba kasi nagkaroon ako ng allergy allergy na yan? Eh sa pagkakatanda ko naman ay wala ako nu'n. Ano yon? Kusa nalang lumalabas o nagkakaron? Ganon ba yun?

"Hindi na po mauulit." Ang tanging nasabi ko nalang.

"Bakit? May plano ka pang ulitin?" Napangiwi ako.

"Hindi na nga po Auntie eh.." Di ba ako naintindihan?

"Ay nako! Huwag mo ko ma-auntie auntie hindi kita pam--"

"Mama! Nasan ang magaling mong pamangkin?! May malaking atraso sa'kin 'yun! Hoy babae!" Turo sa akin ni Aubrey nang lumitaw siya. Hindi na naituloy ni Auntie ang sasabihin niya ng sumulpot bigla ang pinsan kong tukmol.


Hindi ko tuloy alam sino iintindihin ko. Jusko itong mag-ina na ito.

"Oh bakit?" Ano na naman kaya and eksena nito?

"Why are you always with my boyfriend?" Page-english niya at pilit pinaaarte ang pagbigkas.

Ha? Ano daw? "Ano? Pakiulit?"

"I said why do you always to my boyfriend! Bingi kaba? Ay sabagay hindi ka nga pala nakakaintindi ng english." Iirap irap niyang sabi habang hinahawi ang buhok niyang banat na banat na kaka-rebond.

Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng tawa. Grammar mo po kasi hindi ko maintindihan, sana naman nag-aaral siya ng maayos mukha kasing mas inaaral niya ang pagma-make up.

At ano daw? Ako? Hindi maka-intindi? Eh scholar ako ng school? Nasa higher section at A+ lagi ang average? Joke ba yan, pinsan?

"Ano anak? May boyfriend kana?" Napatingin ako kay Auntie na malaki ang ngiti.

The Heart Remembers (On-Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang