Chapter 1

114 19 6
                                    

Cassandra POV

"Sandra! Bumangon kana dyan!" Sigaw ni Auntie. Ang ganda ng bungad 'di ba? 'yan lang naman ang alarm clock ko sa tuwing umaga. Ang napakalas at napakatinis niyang boses. Minsan nga pinagdadasal ko pa na sana naman ay mapagod ang lalamunan niya at mapaos kahit isang araw lang. Nang sa ganon ay makapagpahinga naman ang tenga ko.

"Heto na po!" Sigaw ko pabalik habang bumababa sa higaan ko. Dumiretso naman ako sa cr para sa morning routine ko. Kahit mahirap kami ay marunong naman akong maghilamos at mag-toothbrush no!

Nang matapos ay agad akong bumaba upang tulungan si Auntie sa pagtitinda ng Carinderia niya. Binilisan ko talaga ang kilos sa pag aayos sa sarili dahil baka puntahan niya pa ako sa kwarto at doon niya ako sigawan ng sigawan.

"Tanghali ka na naman nagising! Ilang ulit ko ba sayong sasabihin na hindi ka pwedeng magpuyat dahil walang mag-aasikaso dito sa Carinderia!" Si auntie habang dinuduro duro ang sintido ko nang makita agad ako.

Napangiwi ako sa ginawa niya. Meron kayang mag-aasikaso! Siya! Kaya nga ang aga aga niya palagi magising eh, joke.

Kasalanan ko bang masyadong marami ang ibinigay na projects ang Sir namin kaya napuyat ako kaka-gawa? Kung pwede ko nga lang sabihin yon sa kaniya kanina ko pa ginawa. Kapag kasi sinabi ko dadakdak lang yan ng dadakdak ng walang tigil. Sabihan pa akong hindi marunong mag manage ng time sa pag aaral sa gawaing bahay, hay!

Bahala ka dyan Auntie! Dumakdak ka ng dumakdak dyan. Tutal pasok sa isang tenga labas sa kabila naman ako hehe.

"Hindi kana nga nakakatulong dito sa pamamahay ko blah blah blah.." At ayan na nga po ang mala-armalite niyang bibig, Bakit hindi ko kaya ipa-audition si Auntie bilang rapper? Baka doon pa siya yumaman.

Oo nga pala, I'm Cassandra Lyn Fernandez. 17yrs Old. Nagiisang pamangkin na babae ni Auntie Lora na may anak na apat. Tatlong lalaki at isang babae. Ang sabi rin ni Auntie ay ako lang ang pamangkin niya dahil dalawa lang silang magkapatid ng nanay ko. Tinanong ko rin kung nasaan na ang mga magulang 'ko.

Minsan parang iniiwas niyang pagusapan ang bagay na yan. Minsan palagi niyang sinasabi na 'Wala na! Iniwan kana. May iba ng pamilya!' Ayoko sanang maniwala pero may bahagi sa akin na naniniwala sa mga sinasabi ni Auntie. Kasi madalas ay ganoon ang nangyayari sa totoong buhay, kung iwan ka ng mama o papa mo malamang sa malamang ay may pamilya ang isa sa kanila.

Sa lagay ko? Parehas silang nawala. Kaya hindi imposible yung sinabi sa akin ni Auntie.

Galit ako sa kaniya. Galit ako sa magulang ko. Sino ba naman kasing may matinong magulang na ibibigay nalang basta basta ang anak? Dahil takot sa responsibilidad? Hindi pinanagutan? Bakit? Kasalanan ba ng anak iyon? Kasalanan ko ba yon?

"Sandra! May bumibili! Kung saan saan na naman nakakarating yang utak mo!" Nabilisan ko ang kilos ko ng isigaw bigla yun ni Auntie sa mismong tenga ko. Medyo masakit ha!

"Ano po yon?" Nakatingin ako sa isang lolang nakangiti sa akin.

Okay, Medyo creepy siya ha.

"Ito nalang hija." Sabi niya habang nakaturo sa ulam.

Mabilis pa sa alas kwatro ang pagkuha ko dahil medyo nakakatakot ang itsura niya. Hindi naman sa judger ako mga teh ha? Alam mo yung mga witches na gumaganap sa mga pelikula? Ganon mismo ang istura niya, kulang nalang ay bigyan ko siya ng walis kaloka!

"Heto po." Sabi ko sabay bigay ng ulam na binili niya. Mabilis ko pang ikinuha ang bayad sa kamay niya. Sorry lord, natatakot lang.

"Hija."

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now