Chapter 5

43 14 1
                                    

Cassandra POV

Ilang araw naba akong ganito? Inaasahan. Inaalila. Ginagawang slave. Kulang nalang sumama ako hanggang bahay nila masiguro lang syang ligtas. Bakit parang baliktad naman ata? Hindi porket nailigtas ko sya don sa mga adik na ewan eh gagawin na niya akong guard?! Kung alam niya lang na laruan lang yon hehe.

Akala ko magiging tama yung desisyon ko na pumayag sa gustong mangyari ni Mrs. Sanchez, Bwisit kasing blake to eh! Panira palagi ng araw! Kung maka-utos akala mo naman may naibibigay na sweldo!

"Hoy!"

Tignan mo pati pag tawag sa simpleng pangalan ko di magawa. Sarap batukan.

"Ilang ulit ko bang sasabihin na may pangalan ako at hindi 'Hoy!'," Galit ko na namang sigaw sa kaniya. Nasa likod ko lang kasi siya nakaupo.

Simula nang malaman ng mga classmates ko na ililipat si Blake dito ay mas lalong umingay ang mundo ko. Pero noong nandito na si blake sa room namin ay hindi ko inaasahan na tatahimik ito dahil sa mga pagbabanta niya sa kanila.

"I don't care! Oh!" Singhal niya sabay hagis papunta sakin ng notebook niya at ballpen. Aanhin ko na naman to?

"Aanhin ko 'to?" Tanong ko at pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Sulatan mo 'ko!" Pabalya niyang sigaw at itinaas pa ang mga paa niya sa upuan ko na akala mo nasa bahay. Hindi ko alam na ganito ang dadanasin ko sa mga kamay niya.

"Excuse me ho! May kamay ka naman  'di ba?" Gusto kong ihagis 'to pabalik sa mukha niya. Akala niya siguro tatanggapin ko lang lahat ng gusto niya ipa-gawa.

"Just do what I said!" Sabi niya at kumuha ng libro para itakip sa mukha niyang makapal.

"Nahiya nalang yung libro sa kakapalan ng mukha mo talaga." Bulong ko sa sarili.

As usual ano pa ba? Matutulog namnaman sya! Oh diba? Ang letse! Hindi naman porket pumayag ako sa kagustuhan ni Mrs. Sanchez eh papayag na rin akong mag-ala slave sa lalaking 'to no!

Inilagay ko nalang sa tabi niya ang ballpen at notebook niya. Bahala ka sa buhay mo. Gawin mo mag-isa yan! Ano siya swerte? Hindi ako si santa claus para palaging tuparin wish mo. Tse! Pagkatapos ay bumalik nako sa upuan ko at muling nagsulat sa aking notebook.

Napalingon naman ako sa lalaking nasa harapan ng maramdaman kong nakatingin ito sa akin.

'Ano ba kasing nangyayari sayo, Clinton?'

Agad niyang iniwas ang paningin niya ng makitang nakatingin nako sa kaniya. Napabuntong hininga naman ako at bumalik na sa isinusulat. Wala naman na sigurong mababago pa kung iyon na talaga ang desisyon niya. At kahit nanghihinayang ako at nasasaktan ay kailangan kong respetuhin iyon.

Medyo wow lang ha. Pano ba naman kasi yung sulat ng secretary namin hindi malaman kung pataas yung linya o pababa eh.

"Ayusin mo naman sulat mo! Nung una maayos habang tumatagal umaakyat yung sulat mo!" Narinig kong sigaw ni Hanz kay Julia na siyang nagsusulat sa harap.

"Oo nga!"

"Parang kinalaykay ng manok!"

"Dinaanan ba yan ng bagyo, Julia?"

Komento pa ng iba. Hala sige gatungan niyo pa si Hanz, Eh ang lakas mang-asar niyang shokoy na yan. Nakita kong padabog na humarap sa amin si Julia at pumeywang.

The Heart Remembers (On-Going)Where stories live. Discover now