Chapter 6

738 31 0
                                    

Walang ganang napatingin ako sa mga kaklase ko na kakapalit lang ng damit nila. Kanina pa kasi ako nakapalit kaya inintay muna namin ang lahat bago magsimula ang pag-eensayo. Nasa-upuan lang ako nang magsalita si chelseah.

"bakit palagi kayong magkasama ni Seco? kaano-ano mo ba siya?"

Sabi ko na nga ba. Kaya ayaw kong may lumalapit sakin na kahit sino kasi ako na naman ang babantayan nila.

"Wala lang"

"really?"mataray niyang sabi.

Tch

Tumango lang ako sa sinabi niya.

"Wow kelan kapa naging babae ha? diba tomboy ka? bakit lapit ka ng lapit sa kanya kung hindi naman pala kayo?"

Walang ganang tiningnan ko siya. Anong problema niya? Hindi ko naman inaankin si Dust eh at isa siya kaya ang lumalapit sa akin at hindi ako!

Tch

"Hey I'm talking to you!"

"lumapit ka sa kanya"

"WHAT?"

"Oo lumapit ka sa kanya para pansinin ka niya..." sabi ko

"Don't tell me na ganon ang ginawa mo para pansinin ka niya?"she said sarcastically at tumawa.

tch

"iba ka din pala no? akala namin wala kang interest sa lahat ng tao dito pero sa kanya meron? Wow! pinipili mo talaga mga transferee at gwapo no?"

Hindi ko talaga bisyo ang makipag-away. Tumayo na ako at aalis sana nang bigla niya akong higitin. Napatingin naman ako sa mga kaklase ko na nagbubulong-bulungan na nakatingin sa akin. Nasasaktan ako sa ginawa niya.

"Bitawan mo ako please"sabi ko.

"Ha? No way unless sasabihin mo kung ano ang relasyon mo kay Seco...kayo na ba ha? bakit parang natatakot ka na malaman ng lahat?"

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya. Napabuntong hininga ako at tsaka nagsalita.

"wal—"

"Fucking answer me"

"Bitawan mo siya"

Isang pamilyar na boses ang kumuha ng atensyon naming lahat. Dahan dahan naman akong napatingin sa kanya kung saan diretsyo siya naglalakad papunta ngayon sa amin. Hindi ko mapigilan pero... unti-unting kumakabog ang dibdib ko bawat hakbang na gagawin niya.

Nasa harapan na namin siya. Hindi ko maibaling sa iba ang paningin ko habang pinagmamasdan ang buong mukha niya. Hindi na ako magtataka kung bakit galit si chelseah sa akin dahil sino ba naman ang magaakala na may lalapit sa akin, isang lalaki tapos may itsura naman. Oo aaminin kong gwapo si Dust at kahit ako ay hindi makapaniwala na sa ganito kong ka walang kwenta kung kausap at sa kakaibang pananamit ko ay lalapitan niya ako.

"Bitawan mo siya"

"Pero Seco we're just talking somethin—"

Wala sa sandaling hinigit niya ang kamay ko kay chelseah at tiningnan niya muna ako sa mata ko.

Bakit ganito? Nakikita ko naman ang orange niyang mata. At nakikita ko ang repleksyon ko sa mata niya. Mas kumabog ang puso ko nang dahan dahan kong maramdaman ang dahan dahan niyang paghawak ng kamay ko.

"let's go"

Sunod-sunod ang naging paglunok ko habang lumabas na kami ngayon sa classroom at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sinunod ko lang siya hanggang huminto kami sa auditorium at pinasok namin ng sabay yun.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now