Chapter 13

463 28 0
                                    

Tama ba yung narinig ko?

Unti-unti kong inaangat ang paningin ko sa taong nagsalita nun. Isa-isang kumabog ang puso ko habang hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Siya yung babaeng nakita ko sa litrato sa kwarto ni lola.

Kamukhang-kamukha niya yung babae.

"Sabi ko, what are you doing in my room bingi ka ba? At another thing what are you doing here?"

Napako lang sa kanya ang paningin ko. Hindi parin ako makapaniwala na ang babaeng nakita ko lang kanina ay kaharap ko na ngayon. Siya talaga yung babaeng nakita ko kanina sa picture frame.

"hello? are you listening? anong ginagawa mo don kanina sa room ko? did you steal something?"

Hindi pwede to. Paano?

Sunod-sunod ang naging pag-lunok ko habang tinitingnan siya ng mabuti.

Hindi pwede!

Maari kayang...

"Anong pangalan mo?" wala sa wisyong sabi ko.

"bakit? Alam mo nga kung nasaan ang room ko tapos hindi mo ako kilala?, ridiculous!"

"Sandali lang, ano ba ang pangalan mo?"

"At bakit nga? do you have a crush on me? Ew please I don't entertain lesbian people yuck!"

Wtf?

"Hindi ako tomboy"

"And why are you wearing pants? and a shirt? oh my goodness you look horrible!"

Tch!

Eh ano naman?

"Sandali, ano ang pangalan mo at bakit ka nandito?" aniya

"Same question I wanted to asked... who are you? At bakit mo ako sinusundan papunta rito? ikaw ba yung sumusunod sa akin papunta rito?" 

"yes, kaya lang naman kita sinundan dahil nakita kong pumasok ka sa room ko!"

Yung kaninang kaba at takot ko ay parang nawala na. Kung ito lang naman makakausap mo ay maiinis ka lang.

"I'm still talking to you, sino ka?"

"I'm asking the same question..." sabat ko naman.

Tch.

Nakita ko namang kung paano siya nainis dahil sa mga tingin ko sa kanya.

"... I'm Celestine"

Agad namang kumunot ang noo dahil sa sinabi niya.

"Don't tell me pareho tayo ng pangalan? So sino ka nga?"

"Lovely"

"Too opposite to your looks"

Tch

"Can you please stand up? masakit na yung batok ko kakayuko sayo! your giving me the nerves ugh!"

ok.

Mag-ka height lang pala kaming dalawa.

"So go back to the discussion..."

NERD SPARKS Where stories live. Discover now