Chapter 16

487 28 0
                                    

"This is my suitor... I want you to meet Seco..."

Kanina pa ako nakatulala habang prinoproseso ng utak ko ang mga nangyari at mga narinig ko bago lang. Matapos ng pagpapakilala ni Celestine sa akin ng manliligaw niya iyon, yung lalaki na kamukha din ng manliligaw ko ay hindi na ako nakapagsalita pa.

Nasa ibaba lang kanina pa ang mga paningin ko habang ang iba naman ay nagsisiyahan dahil ngayon ko lang nalaman na kaarawan pala ng batang lalaki na kapatid ni Shielah at ni Seco. Seven years old palang pero yung handaan pang kasalan na. Walang ganang napatingin ako sa gilid ng sapatos ko nang mapansin kong may biglang umupo sa tabi ko kaya naramdaman ko ang pagdikit ng sapatos niya sa sandal ko.

Tch

"Magandang gabi po binibini" agad naman akong napatingin sa nagsalita. Dahan dahang kumunot ang noo ko dahil sa kung paano siya magsalita. Parang antanda-tanda niya na kung magsalita, eh kakabirthday niya lang naman ngayon. Tch.

Medyo napangiti at napatango ako sa sinabi niya. Hindi ko naman siya kilala ah? pero bakit nandito siya kinakausap ako? kilala niya ba ako? Ang plastik ko naman ngumiti sa batang to!

tch

Hindi naman kita kilala eh.

Napakaliit at napakabata niya pa pero parang daig niya ang senior citizen umasta. Ang totoo? hindi na siya bata no? Kanina pa siya linga linga na parang may hinahanap. May girlfriend na siguro tong bata na to. Hindi ko nalang siya pinansin kaya walang paki'ng napunta ang atensyon ko sa kay Martha na kasama yung kapatid na babae ng batang katabi ko ngayon. Narinig kong Shielah daw ang pangalan niya.

"Shero? andyan kalang pala?" aniya Shielah sa tinawag niyang Shero. Unique naman ng pangalan niya, shero? ngayon ko lang narinig ang pangalang ito.

Tumango- tango naman ang kapatid niya sa kanya.

"Shielah may ipapakilala pala ako sayo..." rinig kong aniya Martha kay Shielah. Naramdaman ko ang paglapit ni Martha sakin at pinatayo ako. "This is Lovely, kaibigan namin..."

Kaibigan? apo niyo ako diba—

"Oh my, you're so pretty...I'm Shielah naigagalak kong makilala kita...napakaganda mo sa suot mo, bagay na bagay sayo ang green na bistida" papuri niya sakin.

Tinanguan ko lang siya at medyo napangiti din sa kanya. Parang wala ako sa mood magsalita ngayong gabi.

"Kumain kana ba?"

I nodded.

"mabuti, ano pala ang ginawa ng kapatid ko dito? Kanina pa siya hinahanap nina mom at dad"

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. Wala akong pakialam kung mainis siya sakin dahil sa ayaw kong magsalita. Hindi lang siguro ako friendly. At isa pa ayokong magmukhang feeling close sa kanya dahil close siya ng dalawa kong lola.Naudlot ako nang maramdaman kong kinurot ako ni Martha sa tagiliran. Pinanlakihan niya ako ng eyeballs niya kaya nagtataka naman ako kung bakit niya ginawa yun.

Ha? Ano daw?

"Umupo lang po ako dito Ate Shielah dahil tinatamad na akong maglakad sa harap..." bumalik ang paningin ko sa batang lalaki. Napansin kong napataas ang kilay ni Shielah dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now