CHAPTER 1: Reborn

2.7K 126 1
                                    

Ivy's POV

Napakunot ang mga kilay ko ng may naramdaman akong nakakasilaw na Liwanag na tumatama sa mukha ko.

Wait, didn't I die?

Why can I breathe?

I gradually open my eyes.

Inilibot ko ang tingin sa paligid, navy blue curtains, white and navy blue wall paint, with a king-sized bed... this room is familiar...

Wait...

It's the room...

It's the room I used to live in 12 years ago...

Napalingon ako sa isang rebulto ng babae na nag bukas ng kwarto.

"Young Mistress, Gising na po kayo?" Inosente nyang sabi habang tinutulak ang pinto gamit ang likod nya at pumapasok.

"Ha-halena?" I said in a cracked voice.

Lumalapit sya sa direksyon ko habang may dalang tray ng pagkain. Nanatili parin akong tulala sa kanya na tila nakakita ng multo, ramdam ko ang unti unting pamumutla ng mga pisnge ko. Nang makalapit sya, hinawakan ko ang braso nya, "She's real... She's not a ghost, She isn't dead..." Nanlaki ang mga mata ko, 

Wait what's going on... Dali dali akong nagpunta sa salamin ng kwarto, tatlong hakbang na lang makakarating na ako sa salamin pero bigla akong natakid at napaupo "Ouch..!" Pinagpag ko ang mga kamay ko at sinubukang tumayo pero ganon na lang ang gulat ko ng mapaharap ako sa salamin, bahagya akong nagulat ng makita ang itsura ko...

Bumata...

Bumata ang appearance ko... Napahawak ako sa mukha ko, at tinapik tapik ito bago sinampal sampal ng kaunti, "I can feel the pain... I wasn't dead? What's going on?"  hindi ko na namalayang kusang tumulo sa mata ko ang mga luha ko.

"Hala! Young Mistress ba't ka umiiyak?!" Nagpapanic nyang sabi habang ibinababa sa kama ang tray at lumalapit sa sakin at pinatatahan ako pero instead na macomfort ako. Tiningnan ko lang sya, at tininawanan habang nanginginig na umiiyak.

"I was reborn? Resurrected from dead?" Tumatawang isip isip ko, Tangina... Nababaliw na ko.... Hindi ko Alam ang mararamdaman ko... Matutuwa? Magagalit?

"Hahahaha... Hahaha," Tumawa ako ng mapait at mapakla habang pinapahidan ang luha ko, tiningnan ko si Halena mukhang natatakot na sya sa reaksyon ko dahil sa pamumutla nya at pamamawis, pinilit kong ngumiti sa kanya kaya unti unti syang lumapit sakin,

"Y-Young Mistress, ayos lang po kayo?" Tanong nya ng makalapit. Hindi ko pinansin ang sinabi nya at napatingin ulit sa salamin.

Based on my appearance, Maybe I'm 24 this year... a lot of misfortunes can happen this year.

"What year is today?" Nakangiti kong sabi kay Halena, Medyo nagtaka sya sa sinabi ko pero agad din tumugon.

"2010?" Patanong nyang sagot.

Lumawak ng ngisi ko, tama nga ang hula ko.

I came back 12 years ago.

Where I'm still innocent of the surroundings... When I'm still naive without knowing that others are using me. God, was on my side. 

Walang Buhay akong tumingin sa buong kwarto. Pumunta ako sa mini table at kinuha ang litrato namin ni Eivan ng mga bata pa kami, when I was 8 and he was 6 years old.

I was smiling in the picture while eivan was hugging my waist from behind innocently.Hinaplos haplos ko ang litrato nya at ngumisi ng walang emosyon.

"Wait for my sweet revenge..." I think while holding the frame tightly.

Vengeance ResurrectionWhere stories live. Discover now