Chapter 26: Prove Myself

1.4K 95 5
                                    

Ivy's POV

Hinawakan ko ang kamay ni Maximilian, it's been two weeks... Hindi parin sya na gigising. Ako ang nagbabantay sa kanya sa loob ng dalawang linggo nya dito sa condo unit ko.

"Eat first, Ivy..." Pakinig kong mahinahon na boses ni Jeffrey pero hindi ko sya pinansin at patuloy sa paglalaro sa kamay ni Maximilian na nagbabakasakaling magising. Nang maramdaman nyang wala akong pake sa presensya nya, rinig ko syang malalim na nagbuntong hininga.

Jeffrey volunteered to monitor Maximilian for me, pumayag naman ako---pero hindi ko iniiwan mag isa ng matagal si Jeffrey sa kanya dahil wala parin akong tiwala kay Jeffrey. He's a very manipulative man, hindi ko alam na baka may binabalak na pala sya samin ng hindi ko namamalayan.

At kung meron nga, alam kong may kinalaman yun tungkol kay Eivan, dahil yun lang naman ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi parin nya pinuputol ang connections nya sakin ehhh.

Nang maramdaman ko syang umalis sa likod ko, hindi ko na sya tinuunan ng pansin at itinuon ang atensyon kay Maximilian. Kung matagal ko nang napansin na may mali sa kinikilos ni Maximilian... Dapat matagal ko na syang tinanong... Hindi sana sya kami humantong sa ganito.

I clench my jaws when I remembered something. "I won't let you off hooked, Dad..." Malamig at tiim bagang kong isip isip. Napatingin ako sa gilid ng may naglagay ng tray ng pagkain sa kama, walang bahid na emosyon ko itong pinagmasdan bago nilingon si Jeffrey na nakatayo sa gilid ko.

"Eat... Tatlong araw ka nang hindi kumakain" Seryoso nyang saad pero hindi ko sya pinansin,

Jeffrey's irritating me,

Masyado syang OA, Maya't maya nya akong nireremind na kumain pero lalo akong nawawalan ng gana tuwing nakikita ko ang pagmumukha nya. Kala mo naman mamamatay ako pag hindi ako kumain ng ilang araw.

Just why is he being like this? I badly want to tell him how he loath my presence before, then now is acting like a protective boyfriend worried about his girl, Disgusting...

"Wala akong gana" Malamig kong sambit habang nakatingin sa kamay ni Maximilian.

"Ako ang magbabantay sa kanya kumain ka lan-"

"I have no appetite" Sabi ko ulit dahil baka hindi sya nakakaintindi ng tagalog kaya I-englishin ko na lang. Napatingin ako sa kanya ng hilahin nya ako papatayo at papalabas ng kwarto, iniiyamot na naman ako ng gagong 'to.

Nang makalabas kami, inis kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko, anong kaylangan sakin ng lalaking 'to? He's annoying me even more, Kung hindi lang talaga sya ang pinakamagaling na doktor na kilala ko na makakapagpagaling kay Maximilian hindi ko titiisin nang ganito ang presensya nya.

"Let go! You know what your being annoying" Malamig kong bulaslas habang tinitignan sya diretso sa mata.

"Bakit ba ayaw mo kumain?" Mahinahon nyang tanong habang tinitignan ako ng malamig, What does it concern you? Tsk.

"Ehh ano kung ayaw ko? Ayaw ko ehh" Pabalang kong sagot habang iniikutan sya ng mata. He massages his forehead before looking at me again.

"tatlong araw ka nang hindi kumakain pagbabantay sa lalaking yun..." Medyo kumunot ang noo ko ng pagtaasan nya ko ng boses. 

"Is that person really that important to you?!!" He's a person who has a lot of patience, looks like he really hates me to the core tsk...

"Yes, his that important! And that shit doesn't concern you!" I said coldly while pushing him to the door. Nang maitulak ko sya,

Bakas sa abo nyang mga mata... ang sakit na expression na nagpataka sakin, ang nagpapataka sakin ay kung nasaktan ba sya sa ginawa ko o nasaktan sa sinabi ko dahil hindi naman ganon kalakas ang pagkakatulak ko.

Iniling ko ang ulo ko, I must be hallucinating... It's impossible that Jeffrey is acting like this... Nagbalik ako sa realidad ng marinig syang magsalita.

"Fuck..." I heard him mumble in air while chuckling softly, looking at the floor. Kinunutan ko sya ng noo dahil kanina pa kong naweweirdohan sa kinikilos nya, anong problema ng gagong 'to?

Pinagmasdan ko lang sya hanggang nilingon nya ulit ako at nagtanggal ng salamin, Inilagay nya ang salamin sa gilid ng bulsa ng coat nya, nagulantang ako ng hilahin nya ako at isinandal sa gilid ng pinto bago tiningnan ng seryoso.

"You know what... I feel so helpless when I'm with you..." Lumapit sya sakin bago dahan dahang inamoy ang gilid ng leeg ko. 

"This feeling is so new to me..." He whispered full of seriousness to my ears.

Lalong kumunot ang noo ko, Napatingin ako sa mata ni Jeffrey ng hawakan nya ang baba ko at hinarap sa kanya. "Is it because... I like you?" Mahina pero may kasamang lambing nyang sabi.

I scoffed. Hah, who's idiot will believe your words? You are very manipulative. I will be an idiot if I believe your words. Maybe kung hindi ako na reborn maniniwala pa ko dahil sa galing ng acting skills ni Jeffrey pero fortunately I know his real agenda behind his gentle looking face.

A smirk form on my lips before looking at his lips to his eyes. "You like me?" Seryoso kong bulong habang walang emosyong hinahaplos ang pisnge nya.

Ramdam ko ang pagtaas baba ng adams apple nya habang nakatingin sa labi ko. "Prove it..." Malamig kong dagdag bago hinahawakan ang white coat nya at itinulak sya papaantras.

Tinabig ko ang balikat nya at sinubukang pumunta sa direksyon kung saan ang kwarto nakahiga si Maximilian pero hinawakan ni Jeffrey ang kamay ko.

"I maybe a awful asshole but I'm loyal than you think" Malumanay nyang sabi habang sinusubukan hawakan ang braso ko. Marahas kong tinabig ang kamay nya at nilingon sya ng nanlilisik.

"Loyal or not, I don't care" Malamig kong asik habang tinitignan sya daretsyo sa mata. What's wrong with his eyes? I don't know if it's only me but, his eyes are looking at me with a hurt expression again, tsss.

"I know you better than anyone else, I don't have time to entertain you with your games, so don't bother me" Malamig kong tugon, hinila ko sya papalabas ng kwarto ko at dinala sa pinto ng condo unit ko.

"Let's cut our ties here, it's time for you to leave" Malamig kong sabi.

Sinasagad na ni Jeffrey ang pasensya ko, kahit sya pa ang pinakamagaling na doctor dito bansa, I don't care... sinubukan ko syang palabasin pero---hinila nya ang kamay kong nakahawak sa braso nya at niyakap ako ng mahigpit. This feeling... I want to throw up... It's so disgusting. I clenched my jaws.

"Jeffrey... Get off me" Malamig at may pagbabantang boses kong sabi, hindi nya pinansin ang sinabi ko at niyakap na naman ang katawan ko ng mas mahigpit bago inubob ang ulo nya sa balikat ko.

Parang mapipisa na ko sa yakap nya tsk, hindi ba sya binabanas? Well ako banas na banas na... Can I kill him after this? His touches are similar to Hadrian's, it's giving me nauseating chills. Nilingon ko sya dahil parang wala syang balak bumitaw. Is this man also gone mad?

Naimpluwensyahan ba to ni Hadrian? Tsk.

They're both annoying as fuck.

"I will prove myself to you Ivy, " Malumanay nyang bulong habang nakaubob parin ang ulo sa balikat ko. Tumawa ako ng malamig dahil sa sinabi nya... How sickening... tinaas ko ang kamay ko at inilagay sa likod ng ulo nya.

Sinimulan kong haplusin ang buhok niya habang nakayakap pa rin siya sa akin... Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa sinabi kong... "Just stop it.." I whispered coldly to Jeffrey's ears while playing with his hair.

"It's impossible for you to fall inlove me, Your clan was killed by my family..." Malamig kong dagdag, ramdam ko ang pagkagulat nya sa bilakat ko.

A small smile forms on my lips while glancing at his head coldly."I am right, his trying to use me... Even if he's not" Malamig kong isip isip.

"I don't care,"

"He fell into his own trap... and that matter doesn't concern me..." Malamig kong isip isip habang nananatiling pinaglalaruan ang buhok nya ng may ngisi sa labi.

Vengeance ResurrectionWhere stories live. Discover now