CHAPTER 27: Visit

1.3K 82 3
                                    

Ivy's POV

Napabitaw si Jeffrey sakin ng may sumuntok sa mukha nya, agad akong napaantras ng hilahin ako ng lalaking biglang sumulpot sa kawalan, Tiningala ko ang ulo ko at tiningnan ang mukha nya, umaapoy na asul na mata na parang anytime, makakapatay sa galit agad ang nakita ko.

Kahit gulat, nangibabaw ang confusion sa utak ko. "Why is he here?" Kunot noo kong isip isip habang sinusubukang tanggalin ang kamay ko pero lalo humihigpit ang kapit nya sa kamay ko,

Dumugo ang labi ni Jeffrey habang naka side view na hinarap si Hadrian ng may malamig at seryosong mata, binalik ko ang tingin kay Hadrian. "What brought you here?" Malamig kong tanong sa kanya pero hindi nya ako pinansin at nanatiling na katingin kay Jeffrey.

"Why are you hugging her?" Malamig at seryosong saad ni Hadrian habang hinahawakan lalo ng mahigpit ang braso ko, Damn this asshole, his hurting me. Tsk. Binigyan ni Jeffrey si Hadrian ng malamig na mata habang may nakapaskil na ngisi sa labi.

"Why? Does it matter?" Nakangising sabi ni Jeffrey habang sinusulyapan ako ng tingin. Nang magtagpo ang tingin namin,Pinunasan nya ang labi nyang may dugo at kinindatan ako, tinaasan ko ng kilay si Jeffrey at binigyan ng malamig na tingin.

What's wrong with him?

Did he hit his head or something?

Kanina lang, ang seryoso ng usapan namin tapos ngayon sinusubukan na naman nya ako akitin? Buti nalang hindi nya ako nalinlang kanina... He is really good in acting, Tsk. Ramdam kong susugod na naman si Hadrian pero hinawakan ko ang kamay nya, "Jeffrey, Go to my room." Malamig kong utos,

Maximilian was left alone for so long, baka kung anong mangyari sa kanya. "I'll try to endure being with him even just a little... For Maximilian, I'll endure his presence." Malamig kong isip isip. Kahit gaano ko kinasusuklaman ang presensya ni Jeffrey, hindi ko maitatanggi ang galing ng medical skills nya.

Sumunod si Jeffrey sa utos ko at naglakad patungong kwarto ko kung nasaan natutulog si Maximilian. Inis akong nagbuntong hininga, dapat talaga hindi pinagtatagpo 'tong dalawang gunggong na'to. Baka mamaya, hindi ko na namalayang pinatay ko na sila ng sabay sa inis.

Tiningnan ko si Hadrian ng makaalis si Jeffrey... Lalong sumama ang timpla ng mukha nya habang nakakuyom kamao at tiim bagang nakatingin sa sahig... Nang nilingon nya ko binigyan ko sya ng malamig na tingin.

"I'm asking, why are you here?" Malamig kong ulit. Tiningnan nya ako mata sa mata at hinawakan ang magkabilang balikat ko, lumambot ang mukha nya bago ako kinausap ng malumanay.

"You keep ignoring me... Is it because of him?"

"Him? Jeffrey?" I think while looking at his eyes coldly. Tumawag nga sakin si Halena na nung isang araw na Hadrian keep sending me gifts this past few days pero sinabihan ko syang itapon at sunugin na lang ang mga 'to.

Tapos minsan naman nakikita ko si Hadrian na tinatawagan ako minsan sa phone, I'm always busy that's why I'm always blocking his number pero gumagamit sya ng bagong number, sa sobrang inis ko pati yung phone ko tinapon ko sa balkonahe ng condo unit ko tsaka bumili ng bago. Tsk.

"Let go, nasasaktan ako" Seryoso kong tugon habang tinitignan sya daretsyo sa mata.

Tumingin sya sa ibang direksyon at sinipa ang pinto ng condo unit ko sa inis, gumawa ito ng malakas na ingay bago nagsarado... kaya siguro sya nakapasok, naiwan kong bukas ang pinto nung tinangka kong palabasin si Jeffrey.

He's so hot-headed, I don't know what I like about him in the past, tsk. Nang kumalma sya, Huminga muna si Hadrian ng malalim bago ulit ako nilingon.

"Go to the States with me," He said in a calm voice looking into my eyes.

Vengeance ResurrectionWhere stories live. Discover now