Wattpad Original
There are 4 more free parts

FALLEN 2: Forbidden and Beyond (Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust)-Chapter 5)

10.1K 329 80
                                    

Fallen 2: Forbidden and Beyond

Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust)

Chapter 5

Kasalukuyan

"Magbabalik na ang lahat, Nephilim. Nagbalik na ako. Pero hintay lang, Nephilim. Konting panahon pa at magkakaharap tayong muli at sa paghaharap nating muli, sisiguraduhin ko tuluyan ka ng masasaktan, tuluyan ka ng mawawasak."

Matagal ko tiningnan ang tinitirhan ng Nephilim at ang mangmang na tao na pinakainiingatan niya. Itinaas ko ang baston ko at gusto ko ng pasabugin ang tahimik na niyang buhay pero pinigilan ko ang sarili ko.

Ako, si Asmodeus, ang demonyo ng pagnanasa, ay hindi naniniwala sa mabilisang pagkabagsak ng kalaban ko.

Pinakamatindi ang pagnanasa kong makapaghiganti sa Nephilim na tumalo sa akin noon. Siya na pinakita na ang pagmamahal ay higit sa lahat ng pagnanasa.

Kalokohan.

Pagnanasa ang pinakamatinding emosyon. Kaya nga ako malakas dahil lahat ng tao ay nagnanasa. Ako ang kanang kamay ni Lucifer (sa ayaw man niya at gusto) dahil kahit saan kaya kong kumuha ng lakas. Kahit kaninong tao kaya kong kunin ang pagnanasa nila para lumakas ako.

Isa ako sa Septem Peccata Mortifera—Seven Deadly Sins. At nagbabalik ako para sirain ang Nephilim at ang lahat sa kanya.

Malapit na Nephilim, malapit na.

Lumipad ako at iniwan ang bakas ko sa tubig. Mga itim na feathers na alam kong hindi makikita ng Nephilim pero sinisigurado ko na oras na gumalaw ang tubig sa pagnanais ko, tuluyan niyang gugunawin at lulunurin ang Nephilim at ang huli niyang makikita ay ang mga itim na feathers ko bago siya mawala ng tuluyan.

Hindi na ako makapaghintay na mangyari iyon.

*

Naramdaman ko ang kamay niya na humahawak sa may dibdib ko pababa sa may parteng tiyan ko. May kiliti akong naramdaman subalit kulang, kaya naman pinigilan ko ang mga kamay nya at iginapos parehas iyon sa may ulunan niya. Narinig kong tumatawa siya subalit napalitan iyon ng pag-ungol ng siilin ko ng halik ang mga labi nyang kanina pa nag-iimbita sa akin. Madiin, mapusok, maalab- ganyan ang ginawa kong paghalik sa kanya habang pinipilit niyang alisin ang kamay niya sa may ulunan niya, subalit kinakaya ng isa kong kamay na gapusin pa din ito habang naglalakbay na ang kamay ko pababa. Mula sa mukha niya pababa sa leeg hanggang sa balikat. Simpleng hawak ko pa lamang subalit nakikiliti na siya, nararamdaman ko ang matindi niyang pagnanasa kasabay ng pagnanasa sa paligid ko habang binibigyan namin sila ng palabas na hindi nila makakalimutan. At ang walang kamuwang-muwang na babaeng ito ang naging biktima ko.

Nakita ko agad siya ng pumasok ako sa lugar na tinatawag ng mga tao na 'Bar'. Dito ako pumupunta sa dahilang dito matindi kong nararamdaman ang pagnanasa sa bawat walang kwentang tao na nasa paligid ko. Para sa akin, mas mababa pa sila sa mga walang kwentang bagay. Hindi ko masasabi na pagkain ko sila subalit aaminin ko na lumalakas ako dahil sa mga mapupusok nilang kailangan . Lahat ng pagnanasa, ay matamis na sustansiya dumadaloy sa katawan ko. Madalas pinagmamasdan ko lang sila habang ginagawa nila ang lahat ng naisin nila, minsan nagpapakita ako at nakikita ko na bawat isa sa kanila gustong ako ang kasama nila sa sandaling iyon. Pero espesyal ang gabing ito, hindi ko masabi pero alam kong may magandang mangyayari sa gabing ito.

Kaya naman nang nakita ko ang kawawang babaeng ito na inuutus-utusan at kinakaya-kaya ng kasama niyang babae, alam ko na mas magiging masaya talaga ang lahat. Mabilis ko siyang nilapitan, pinagtanggol ng konti sa babaeng kasama niya at walang pasabing hinalikan sa harap ng lahat. Alam kong nagulat siya subalit ginamit ko ang kapangyarihan ko kaya bumigay din siya. Kilala ang lugar na ito na normal na ang mga ganitong eksena. Alam kong inggit na inggit ang kasama niyang babae kaya mas matindi pa ang ginawa kong paghalik habang tinitingnan ko ang babae kanina. Ngumisi ako ng naramdaman kong napaupo ito at hindi mapigilan ang sarili na hawakan na lang ang katawan niya.

FALLEN 2: Forbidden and BeyondWhere stories live. Discover now