Wattpad độc quyền
Còn 6 chương miễn phí

FALLEN 2: Forbidden and Beyond (Part 1: Adelise (The Blind Spirit)- Chapter 3)

14.8K 423 93
                                    

FALLEN 2: Forbidden and Beyond

Part 1: Adelise

Chapter 3

Minsan magugulat ka na lang sa ibabato sa'yo ng tadhana.

Madami akong hindi pinaniniwalaan pero mas madami akong hindi pinapansin na lamang. Tulad ng kabaitan ng mga madre sa akin, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ito o papansinin ko na lamang.

"Adelise," narinig kong tawag sa akin. Nakaupo ako sa isang swing (turo sa akin ni Mother Superior). Ilang linggo na din siguro ang nakakaraan matapos ang trahedyang iyon, pero bawat gabi, bawat pagpikit ko ng mga mata ko, sigaw at iyak ng mga kasama ko sa Sanctuary ang naririnig ko.

"Mother Superior," mahina kong tugon sa kanya.

"Iha, may bisita ka."

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. "Bisita?"

"Ina raw siya ng kasama mo sa Sanctuary, si Destiny."

Napalunok ako. Ina ni Destiny? Parang kinuyom ang puso ko.

"Iha—"

"Tara na po, Mother Superior."

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa pumunta. Para saan? Para masumbatan ako? Para mas masaktan?

Nakakatawang alam ko na pupuntahan ako ng nanay ni Destiny. Pero sabagay, pakiramdam ko lahat ng pamilyang naiwan, gusto ako kwestyunin kung paano nabuhay ang isang bulag at walang kwentang tulad ko, imbis na ang mga kaluluwang mas may karapatang mabuhay.

"Andito na tayo, iha," mahinang sabi sa akin at pinaupo nya ako. "Maiiwan ko muna kayo." Pinisil nya ang balikat ko. Para saan? Para ipaalam na magiging ayos ang lahat? Kahit hindi? Kailanman, hindi magiging maayos ang lahat.

Naramdaman ko ang titig niya sa akin. Hindi muna ako nagsalita.

"Mas nagdusa ba ang anak ko bago siya mamatay?"

Hindi ko alam kung paano sasagutin ang katanungang iyon.

"Si Destiny, ang batang iyon talaga, kaya pala niya ako pinaalis kahit di naman kailangan. Sabi niya aalagaan mo raw siya kaya kumampante ako. Nagpumilit siya hanggang napapayag niya ako. Kaya pala. Kaya pala mas kakaiba siya ng araw na iyon."

"Paano pong kakaiba?"

"Noon pa man, lagi na siyang may kakaibang pakiramdam. Akala ko epekto ng sakit nya pero higit sa iba o sa akin ang pakiramdam niya lalo na kung tungkol sa future. Madaming beses niya kami niligtas sa mga babala niya pero ngayon, mas pinili niyang sarilinin ang lahat. Iniwan na ako ng anak ko! Hindi ko man lang nailigtas si Destiny!" Nagulat na lang ako dahil narinig ko na siyang humagulhol.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagsalita na lang ako. "Pinapasabi po niya na mahal na mahal po raw niya kayo. Na swerte po siya kasi kayo po ang ina niya at—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi niyakap niya ako. Parang tumigil ang mundo ko.

Ganito ba ang yakap ng isang ina?

Hindi ko alam pero pinipilit kong hindi maiyak. Kahit humahagulhol siya, ramdam ko pa din ang init ng yakap niya.

Ganito pala yun? Kahit panandalian lang makaramdam ako ng ganito, ang mayakap at ang kailanganin. Kahit minsan lang—

"Sinabi ba talaga yun ng anak ko?" bulong niya.

"Opo," mahina kong tugon.

Naramdaman kong inalis niya yakap niya. Nawala ang init pero hindi ang koneksyon. Naramdaman kong umupo na siya ulit pero hindi niya inaalis ang hawak niya sa kamay ko.

FALLEN 2: Forbidden and BeyondNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ