Wattpad Original
There are 3 more free parts

FALLEN 2: Forbidden and Beyond (Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust)-Chapter 6)

8K 275 56
                                    

FALLEN 2: Forbidden and Beyond

Part 2: Asmodeus (The Demon of Lust)

Chapter 6

Madilim, subalit sanay na ako.

Ang kadiliman ang simula at wakas na bumabalot sa buhay na meron ako. Buhay na ibinigay hindi bilang regalo kung hindi sumpa para pahirapan ang mga nilalang Niya sa mundo. Mundo na kung saan gusto sirain ng lahat ng nilalang sa impiyerno para maramdaman nila ang sumpa namin. Impiyerno na kung saan paraiso o kulungan sa mga nilalang na kasamahan ng hari ng kadiliman.

Lucifer.

Hindi ko alam kung bakit nya ako binuhay matapos ko matalo sa Nephilim. Pero alam ko na hindi dahil sa paborito nya ako o ano pa man para bigyan ng pangalawang pagkakataon.

Ang pagkakataon sa impiyerno ay katumbas ng isang tanikala na sasakal sa'yo hanggang mas piliin mo pa na ikaw na lang ang kumitil sa sarili mo para matapos ang lahat.

Naalala ko kung paano ako hinila sa kadilimang bumabalot sa akin para buhayin muli, kasama ang lahat ng natalo sa Ikatlong Atake ng Impiyerno. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakaluhod sa harapan ng Hari at binigay na nya ang marka sa noo ko bilang pangalawang pagkakataon sa amin.

Nakakasakal ang tanikala subalit mas masakit ang paglalagay niya ng marka sa amin. Naririnig ko ang pagtawa ni Leviathan habang nahihirapan. May ilang natutuwa din dito pero hindi ako isa sa kanila.

Tahimik lang ako subalit gusto ko murahin ang Hari sa sobrang sakit na binigay niya sa akin. Nakita kong nakatingin sa akin si Iram, ang tanging hindi natalo sa amin noon. Mayabang siyang nakatingin sa akin, gusto ko siya patikimin ng sakit na nararamdaman ko subalit mas magandang manahimik na lang ako.

Matagal ng gusto ako palitan ni Iram bilang kanang kamay ng Hari at ibibigay ko yun sa kanya ng patayan. Hindi dahil gusto ko ang posisyon ko, kung hindi dahil gusto ko lang ipakita kay Iram na ako ang pinakamalakas sa aming pito.

"Bibigyan ko kayong lahat ng ikalawang pagkakataon pero ang mga marka sa noo niyo ang magiging paalala sa inyo na mabigo pa kayo, kayang-kaya ko kayo burahin sa impiyerno."

Maraming natakot at sumang-ayon na lang pero ako, mas gugustuhin ko bumalik sa kadilimang ako lang ang nakakakita kesa sa impiyernong ako lang gusto umalpas.

"Asmodeus."

Minulat ko ang mga mata ko at doon ko lang napagtanto na alaala na lang pala ang lahat subalit nandito pa din ang marka. Hindi ko inalis ang sarili ko sa pagkakahiga sa tubig sa lawa ng dimensyon ko.

"Asmodeus."

"Bakit na naman, Lilith?" inis kong sambit.

"Papasukin mo ako sa dimensyon mo."

"At sa anong kadahilanan?"

Narinig kong naiirita na siya, ayaw ko magpakita sa kanya kaya nandito ako sa dimensyon ko.

"Narinig ko na may bago kang misyon."

"Ano naman sa'yo ngayon?"

"Tutulungan ki—"

"Tumigil ka na. Kaya ko na ang isang ito."

"Anong kaya? Sa palagay mo kakayanin mo ang isa sa posibleng tagapagmana ni Raziel? Yung Nephilim nga di mo na kinaya, ito pa kayang—"

Gusto ko hilain ang dila ng maingay na kapwa ko demonyo.

"Hindi ko kailangan ang tulong mo, naiintindihan mo ba?! Huwag mo akong guluhin, ang intindihin mo ay ang posisyon mo bilang Reyna ng Impiyerno. Mukhang naghahanap na ang Hari ng ipapalit sa'yo."

FALLEN 2: Forbidden and BeyondWhere stories live. Discover now