Wattpad Original
There are 9 more free parts

FALLEN 2: Forbidden and Beyond (Prologus)

41.3K 825 242
                                    

FALLEN 2: Forbidden and Beyond

Prologus (Prologue)

Ika-ANIM na taon, ANIM na buwan at ANIM na araw pagkatapos ang Huling Atake ng Impiyerno

Madilim...

Malamig...

Nakakatakot...

Iyan lang ang alam ko nang minulat ko ang mga mata ko.

Dahil sa mga nakaraang nangyari sa buhay ko, naisip ko pang pakalmahin ang sarili ko kahit na malapit na talaga ako makaramdam ng takot. Inaninagan ko ang paligid ko at sa konting nakikita ko sa kadiliman, nahulaan ko kung nasaan ako.

Nang biglang umihip ang hangin at unti-unting nawawala ang dilim dahil sa pagkawala ng mga ulap na pumipigil sa buwan sa pagsilip nito sa mundo—

SH*T. Tama ako!

Ang masama pa dito, hindi lang simple ang liwanag na tumatama sa paligid ko, dahil ang buwan na bumasag sa dilim ng paligid ang siyang bumalot pa sa akin ng higit na takot.

Dahil kulay pula ang buwan na nakikita ko.

Isang napakalaking bilog na bilog at pulang pulang buwan ang nasa langit at dahil nga dito, sa liwanag ng buwan, nakita ko kung saan ako ngayon.

Sementeryo.

At pakiramdam ko kahit anong oras may lalabas na kung anu-ano. Pero dapat sanay na ako sa lahat ng iyon. Wala ng mas nakakatakot pa sa makaharap si Lucifer at ang mga kampon niya. Pero hindi ko naman sinabi na ayos lang ako sa mga ganitong set-up.

Napapikit ako bigla nang umihip ang napakalakas na hangin na para bang may nakikipaglaban dito at bigla ko na lang ulit naramdaman ang pakiramdam na akala ko hinding-hindi ko na mararamdaman.

Takot na walang katulad.

Kasamaang walang papantay.

IMPIYERNO

Minulat ko ang mga mata ko at bigla akong napalingon sa likod ko nang nakarinig ako ng napakalakas na ingay. Ingay ng mga Dragon. Nawala yung takot na naramdaman ko nang makita ko sa kalangitan ang tatlong dragon.

Tatlong magagandang dragon.

Tatlong makapangyarihang nilalang.

Ang isa ay may tatlong ulo na dragon na pamilyar sa akin. Apoy, Yelo at Kidlat—doon gawa ang tatlong ulo ng Dragon. Hindi ako nagkakamali, hinding-hindi ko makakalimutan ang Dragon na iyon.

Ang ikalawang dragon ay isang pula na may pagka-itim at napakaganda nito. May pitong ulo ito na may iba't ibang hitsura at ang bawat isa dito ay may nakalutang na maliliit na korona. At ramdam na ramdam ko ang kapangyarihan ng impiyerno sa Dragon na ito.

Pero ang pangatlo ang nagpahanga sa akin. Isang magkahalo na asul at puti na Dragon na may konting kulay brown at ang pakpak ay hindi pang-Dragon, kung hindi pang-Anghel at may napakahabang kamay ito at mga paa, dagdagan pa nang napakahabang buntot.

Para silang nagsasayaw sa langit. Isang sayaw na alam ko pagkawasak ang tugtog. Walang umaatake, minamatyagan nila ang isa't isa na para bang hindi pwedeng mawala ang tingin nila sa isa't isa. At di ko alam kung bakit ganito ang pinagsasabi ko.

Matagal ko silang tiningnan, tila walang katapusan ang paglipad nila nang pabilog sa ere hanggang sa may narinig ako.

Tunog ng isang gong.

Tapos biglang nanikip ang dibdib ko at halos humalik na ako sa kinatatayuan ko dahil sa lakas nang nararamdaman ko. Mabigat... Nakakatakot...

Takot. Galit. Lungkot. Pagdurusa.

FALLEN 2: Forbidden and BeyondWhere stories live. Discover now